Tuesday , September 26 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Paalala sa mga deboto ng mahal na Poong Nazareno
Paalala sa mga deboto ng mahal na Poong Nazareno

Paalala sa mga deboto ng mahal na Poong Nazareno

Ngayong araw po ay magaganap ang traslacion.

Taon-taon halos milyong deboto ang dumadalo rito.

Mula noong Biyernes, 6 Enero, dumagsa at humugos na ang mga deboto para makahalik sa paa ng Mahal na Poong Nazareno. Kahapon, inilipat na sa Quirino Grandstand ang pahalik pero parang hindi nababawasan ang bilang ng mga nakapilang deboto.

Ngayong araw, magaganap ang traslacion patungong Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo church) mula sa Quirino Grandstand.

Sana’y maging maingat ang mga deboto ganoon din ang mga namumuno sa traslacion.

Isapuso po sana ng bawat isa ang debosyon at hindi ‘yung tipong gumigimik lang dahil ang iba ay nakainom pa.

Tiyakin po na nasa ligtas na lugar kayo at huwag lumambitin sa karosa ng Mahal na Poong Nazareno.

Magbaon po ng tubig, tuwalya at pamalit na t-shirt.

Sa mga may iniindang karamdaman, huwag na po kayong magpilit makipagsiksikan sa traslacion lalo na kung nakahalik na kayo sa paa ng Poong Nazareno.

Higit sa lahat, tumulong po ang bawat deboto para maging mapayapa ang traslacion.

Hiling ko po ang isang banal at mapayapang traslacion ng Mahal na Poong Nazareno.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
}