Thursday , October 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Madir ng dating magka-loveteam, naging magdyowa
Madir ng dating magka-loveteam, naging magdyowa

Madir ng dating magka-loveteam, naging magdyowa

SHOCKING Asia kami sa tsikang nasagap namin mula sa isang reliable source na kinompirmang magdyowa ang mga madir ng dating magka-loveteam.

Yes, hindi po kayo namamalikmata. Parehong babae ang involved sa kuwentong ito na noon pa pala ay mayroon nang relasyon.

READ MORE:  Eskalera ang launching ng Dyesebel ni Anne Curtis!

Ang siste, iisa pala ang paaralang pinangalingan nila, na matatagpuan sa Maynila. Bagamat kapwa sila nagkarelasyon sa lalaki at nagkaanak ay patuloy pa rin pala ang kanilang girl-to-girl relationship.

Nagbunga sila ng mga artistahing anak by their respective men. Isa roon ay isang sikat na aktres na nalilinya sa drama, habang ang isa nama’y dating boy-next-door.

READ MORE:  Takot mabuking kaya tinanggihan ang juicy offer!

At parang pinagtiyap ng pagkakataon. Many years later ay naging magkatambal pa ang mga anak ng magdyowang madir!

READ MORE:  Bikini Open, iaangat ng BNaked: The Elite Super Model Quest

Da who ang mga dyunakis nila na ewan kung aware na ang kanilang mga madir ay magkarelasyon? Itago na lang natin sila sa alyas na Jade Santa Maria at Paolo Pistacchio.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved