Friday , April 19 2024

Dakdak nang dakdak!

Hakhakhakhakhakhak! Sobrang angas ni Vice Chakah, kinabog naman siya ni Angelica Panganiban.

Mantakin mong naka-P246 million agad-agad ang movie nila ni Dingdong Dantes but she never did flaunt about it nor did she make some caustic remarks to show to all and sundry that she was an authentic box-office star.

Ito kasing si Vice Chakah ay masyadong nagmamaganda gayong hindi naman siya ang nagdala ng pelikula kundi ang triumvirate nina Coco Martin, Awra at Onyok.

Harharharharharharhar!

Butata ang baklang mapagpanggap gayong matagal na siyang nalaos at naisalba lang ng write-up namin.

Umarte-arte siya at susungalngalin ko siya.

Susungalngalin raw, o! Joke!

Hakhakhakhakakhakhakhakhak!

Magbalik-tanaw nga ang ilung bakla at aaminin niyang all time low ang kanyang career last film festival at kung hindi sa write-ups naming ipinaglaban namin siya nang ngipin sa ngipin ay hindi siya makaaalagwa. Hahahahahahahahahahaha!

Mahina kasi ang memory ng bakla. Noong halos gutay-gutayin siya ng netizens at ang write-ups lang namin ang nagsalba kaya naging box-office star siyang muli.

Honestly, maliban kay Alex Brosas na nagtanggol din sa kanya, walang ibang entertainment writer na sa kanya’y tumulong noong mga panahong naghihingalo na ang kanyang movie career at pawang lait ang natitikman niya sa netizens.

Magsinungaling ka at kikidlatan ka right this very minute.

Right this very minute raw, o!

Hahahahahahahahahahaha!

During that time, pity me award na nga ang drama ng bakla dahil hindi nga siya makaalagwa sa rami ng mga nanglalait sa kanya pero nagbago ang lahat nang maging hit ang kanyang movie two years ago. Pero nang mag-victory party ang baklang salabusab ay hindi man kami isinali gayong blood, sweat and tears ang pinuhunan namin para lang siya maipagtanggol, barubal, ‘di ba naman?

Hahahahahahahahahahahahahahahahaha!

Kaya naman wala kaming kaamor-amor sa yokabang ‘yan na mabuti nga at nauso ang collagen injection sa wetpaks kaya gumanda-ganda siya kahit paano at nagkapera kaya naayos ang dentures pero ‘yun nga lang, with all his money, hindi pa rin niya maayos-ayos ang kanyang burog-burog na pagmumukha.

Burog-burog na pagmumukha raw, o!

Hahahahahahahahahahahahahahahahaha!

Kaya ang baklang tamulmolic, palaging nagkukubli sa mga masilya. For without it, the men he’d love to fellate would find him gross-looking and abominable.

Abomimable raw, o!

Harharharharharharhar!

Going back to Angelica, low profile lang ang babaeng ‘yan pero madalas maka-ending sa box-office.

Imagine, ‘yung indie movie nila ni JM de Guzman ay naka-ending talaga sa box-office at isang surprise hit of the season.

‘Yun namang apatan nila ni Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes ay certified box-office hit rin.

Kaya kung si Vice Chakah ay ngawngaw kete ngawngaw na kumikita ang kanyang mga pelikula sa box-office, si Angelica Panganiban ay ‘di-maangas na box-office queen.

‘Di nga siguro siya nagmamaangas na

kumikita ang kanyang mga pelikula sa box-office pero ramdam mo ang kanyang dating.

‘Di ba tulad ni Vice Chakitah na hangap sa recognition pero on his own ay mahina na rin naman.

Hahahahahahahahahaha!

Kaya kung ako si John Lloyd Cruz ay magsi-second thought akong tumambal sa kabayo.

Nangangamoy flop kasi, sa totoo lang!

Hahahahahahahahahaha!

KAPUSO STARS LOOKING FORWARD

SA KANILANG CHRISTMAS PLANS

Christmas is a happy yet very busy season—mula sa pagbili ng mga regalo, pag-aayos ng bahay para sa mga bisita at pagluluto.

Pero wala ang salitang ito sa ilang Kapuso artists dahil looking forward sila sa darating na Pasko dahil para sa kanila, Christmas is relaxation.

Kung ang iba kaliwa’t kanan ang parties at gatherings, quality time with family naman ang plano ni Kapuso Primetime King at Alyas Robin Hood star Dingdong Dantes. Dahil para sa kanya, ito ang tunay na depinisyon ng kapaskuhan.

“My plan is to have dinner with my family because that’s what’s Christmas is for, right? Tsaka ang dami kong natanggap na blessings this year na kasama ko ang pamilya ko. I think it’s a beautiful thing if

I thank the good Lord with them.”

Ganito rin ang inaabangan ng Ika-6 Na

Utos star Gabby Concepcion. Kuwento niya, sapat na ang makasama niya ang pamilya niya at ilan sa malalapit niyang kaibigan ngayong Pasko.

“I will be with family and friends and just enjoy life… simple life,” pagbabahagi ng mahusay na aktor.

Samantala, adventure naman ang Christmas plans ng Eat Bulaga host at Superstar Duets judge na si Allan K na lilipad papuntang Japan.

Kuwento ng komedyante, “Sa amin kasi, Christmas Eve is with and for my family. Sa 25th naman, mga inaanak. Tapos on the 26th, pupunta na akong Japan.

Magwa-white Christmas kuno. I want to relax e.”

Ang “Sa Piling Ni Nanay” actress naman na si Katrina Halili, isang magandang paradise getaway ang gagawin. “Plano ko sa Palawan kasi every year, I go there to spend Christmas. I find it special kasi.”

Habang ang co-star niyang si Gabby Eigenmann naman, isang childhood dream ang tutuparin ngayong Yuletide season.

“We’re going to Florida. Actually matutupad ko rito sa pagpunta kong ito sa Florida ang isa kong life-long wish: ang makapanood ng NBA game. Kaya excited ako talaga,” masayang sabi ng versatile actor.

Anoman daw ang gagawin ngayong holiday season, hindi mahalaga kung saan o paano ito mangyayari. Ang importante ay maging masaya para maramdaman ang magic ng Pasko.

HINDI MISS WORLD PERO

ESKALERA ANG GANDA

Minsan pa, napatunayang hindi lang beauty titlist ang nagmamarka ang ganda sa publiko. Hayan kasi at hindi naman beauty titlist si Andrea Torres pero kabogerang tunay ang kanyang ganda.

Iniibig kasi siya ng camera kaya naman lutang na lutang ang kanyang ganda sa harap ng camera.

Dito na lang sa Alyas Robin Hood ay eskalerang tunay ang kanyang projection na walang anggulong pinipili.

Sa totoo, she looks adorable in every scene that she appears in, the male population are palpably smitten with her vibrant comeliness. Bukod sa mass appeal ni Dingdong at sa positive comeliness ni Megan

Young, malaking bagay rin ang sultriness at exotic sex appeal nitong si Andrea Torres na agaw-eksena talaga scene after scene sa Alyas Robinhood.

Malaking bagay ang kanyang red lipstick na siyang trade mark niya sa nasabing soap.

Sa totoo lang!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *