Thursday , April 25 2024

Media binanatan ni Duterte (Biro sineryoso)

KINUTYA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang media na madalas aniyang sakyan o seryosohin ang kanyang mga biro.

Sinabi ng Pangulo sa birthday party ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, pagod na pagod siya sa mga biyahe sa ibang bansa bilang presidente ng bansa ngunit iniintriga pa rin siya ng media.

Gaya na lang nang ihayag niya sa Wallace Business Forum na may sakit siyang Buerger’s disease na nakuha niya sa paninigarilyo dati ngunit ang bumandera sa media ay mamamatay na siya.

“Ayaw ko man magpunta-punta ng mga lugar. Ang akin diyan lang. I’m contented with the bahay ko, ‘yung after that, the After Dark diyan, di naman ako makainom. Tapos mag-intriga, sabi ko may sakit ako na ano, headline kaagad, ‘Duterte will die’, g***. Hoy, istorya lang ‘yan, maniwala ka pala, uy,” aniya.

Binatikos ng Pangulo ang isang kolumnista na masama ang hitsura, na binabastos ang kanyang buhay.

“Kaya ko nilalaro ‘yang mga buwang, tingnan mo, kung anong sabihin ko, kunin kaagad nila, totoo ‘yan. Tapos sasabihin ko na ako gano’n, pati ‘yung mga babae ko, binabastos ‘yung buhay ko nitong isang — isang kolumnista diyan na, may programa ‘yan. T*** ina ang mukha akala mo —  mas maganda pa ‘yung husband niya sa kanya, totoo lang,” aniya.

“Alam mo, mag-asawa ‘yan sila. Itong babae, she wrote something about the… ‘pag kaharap mo ‘yan, pagkapangit ng yawa. E kung lagyan mo ng wig ng — siguro doon pa ako magtingin sa asawa niya, ma-ging bayot na ako kasi,” dagdag ng Pangulo.

Nagpasalamat ang Pangulo sa mga taga-General Santos City sa pagboto sa kanya  at hindi nagkamali na inihalal ang katunggali ni-yang sabit sa illegal drugs ang military aide.

“So that’s the way, ayaw, hindi maghihinto ‘yan. Nobody can stop me because ang tingin ko, kung hindi ako nag-Presidente at yung si ano? Patay kayong lahat. E p*** ang pulis aide niya nandoon sa listahan, ‘yung tinanggal ko na—ito kung, sus maryosep, buti na lang naisipan ninyo ako. Sabagay, kapitbahay man tayo,” giit niya.

Nauna rito’y isiniwalat ng Pangulo na kung si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang nagwagi sa nakalipas na presidential elections ay magiging mas malala ang problema sa illegal drugs ng bansa bunsod nang pagkakasangkot ng aide nitong si police Deputy Director General Marcelo Garbo.

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *