Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Hindi kayang patalsikin si Digong
Hindi kayang patalsikin si Digong

Hindi kayang patalsikin si Digong

KUNG  inaakala ng mga grupong galit  kay Pangulong Digong na mapatatalsik nila sa puwesto sa pamamagitan ng people power ay nagkakamali sila.

Sa kasalukuyan, walang nagkakaisang puwersa na masasabing may kakayahang mag-lunsad ng isang malawak na kilos-protesta na magpapatalsik kay Digong.

Ang dilawan o ang Liberal Party, bagamat may pera ang mga namumuno nito, ay hindi makukuha ang suporta ng taongbayan dahil sa hindi magandang pamamalakad nito noong nakaraang panunungkulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Maingay  lamang  ang mga dilawan pero kung pag-uusapan ang kakayahang makapag-organisa o mag-mobilize nang sustenido at malalaking  demonstrasyon  ay  hindi  nila ito magagawa.

READ MORE:  Sen. Chiz Escudero, poorest senator?

Maaaring mapadalo nila ang mga demons-trador  sa  pamamagitan  ng  kanilang  pera  pero hindi  dahil  sa  kanilang  konbiksyon at prinsipyo.

Ang mga grupong kaliwa naman ay pinagsawaan na ng taongbayan. Kakaunti na lang ang bilang ng grupong ito at nakauumay na ang kanilang mga slogans na paulit-ulit kaya hindi na pinapansin ng mamamayan.

Ang sinasabing mga millennial naman ay walang direksiyon. Parang mga trumpong kangkarot na paikot-ikot. Walang direksyon ang tinutungo ng kanilang pagsama-sama sa mga rally.

Nagagamit lamang ang mga nasabing kabataan  dahil enjoy at happy lang ang mga millennial kapag may mga isinasagawang pagkilos.

READ MORE:  Garin dapat magbitiw

Ibig sabihin, watak-watak ang mga grupong nagnananis na mapatalsik si Duterte. Sa ngayon kasi, ang suporta ng taongba-yan kay Digong ay napakalakas pa rin.

Mula sa Mindanao, Visayas at maging sa Luzon ay solido ang suportang nakukuha ni Digong.

Sa Metro Manila lang naman maingay ang mga grupong kumukontra kay Digong na pinamumunuan nina Mar “Palpak” Roxas,  Noynoy “Boy Sisi” Aquino, Renato “Jobless” Reyes, Jim “Laos” Paredes, Sen. Leila “Delimaw” De Lima at Risa “Bawang” Hontiveros .

Kaya nga ang natitirang opsiyon ng mga gustong patalsikin si Digong ay kudeta.  Sa pamamagitan nang mabilis na pagkontrol sa media o iba pang vital installations at pagkubkob sa Malacañang maisasakatuparan ang pagpapatalsik kay Digong.

READ MORE:  David at Goliath (Pinoy version)

Ang problema, e, meron ba naman silang suporta sa pulis at military?

Wala!

Malinaw ang programa ng administrasyon ni  Digong na bigyang prayoridad ang panga-ngailangan ng pulis at militar lalo ang kanilang suweldo at benepisyo.

Kaya nga,  kung totoo man ang kumakalat na Oplan Splinter:  Oust Duterte na sinasabing pamumunuan daw nina Rep. Garry  Alejano  at Sen. Sonny Trillanes, e, manahimik na lang sila.

SIPAT – Mat Vicencio

COMMENTS

About Mat Vicencio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved