Thursday , April 25 2024

Direk Vince Tañada, muling kinilala sa 29th Aliw Awards

TRIPLE celebration bale ang naganap last week sa office ni Direk Vince Tañada. Bukod sa blessing ng law firm office ni Direk/Atty. Vince, selebrasyon din ito ng tagumpay ng Philippine Stagers Foundation sa 29th Aliw Awards Foundation, plus inanunsiyo rin dito ang bagong stage play ng PSF, na si Direk Vince ang president at artistic director.

Ang Filipino rock musical play ng PSF na Katips, ang mga bagong Katipunero ay nanalo sa Aliw ng Best Original Music Production, Best Director in a musical para kay Direk Vince, at Adel Ibarientios-Lim-Breakthrough Performance of an Actress. Hindi naman kataka-taka ito dahil suki na ng mga awards at parangal si Direk Vince at ang kanyang PSF. Ang naturang PSF play ay nakakuha ng 8 nominations sa musical play & acting categories. Kabilang dito ang Best Musical Direction para sa music and scoring ni Pipo Cifra, Best Featured Actor para kay Jomar Bautista, Best Featured Actress kay Adel Ibarientos-Lim, Best Actor for Kierwin Larena, at Best Actress kay Maya Encila.

Ito ang ipinahayag ni Direk Vince sa kanyang acceptance speech, “Nobody has the right to change our history for their own personal agenda. We offer our award to the 70,000 heroes of Martial Law who are our inspiration in creating this poignant story. No one has the right to change our history and as artists we take this as a responsibility to expose the truth.”

Ikatlong Aliw award niya ito bilang Best Director. Ang una ay sa sa play na Ako si Ninoy at sumunod ay sa Cory ng EDSA.

Ang Katips, ang mga Bagong Katipunero ay mapapanood hangang March 2017. For ticket inquiries, bookings and reservations, pls get in touch with 09154440373 or at 09957301254.

Anyway, ang bagong play naman ni Direk Vince ay special treat sa LGBT community na isang three act play. Una ay pinamagatang Babasagin sa panulat ni Art Gabrentina, isang dulang absurdo na iikot sa buhay ng isang dumaranas ng krisis sa kanyang pagkatao. Ikalawa ang Dilaw o Pula sa panulat ni Atty. Vince Tañada, isang dulang tatalakay sa trahedya ng pag-ibig, kalayaan at pag-asa. At ang huli ay Bagyo! Burol. Beki… sa panulat ni Sonny Valencia, isang komedya/trahedyang kulay bahaghari pagkatapos ng unos. Ang Pink Festival play na ito ay mapapanood sa Power Mac Circuit sa Makati.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *