Thursday , April 25 2024

Dagsa ang tao sa malls

Dragon LadyPAANO mo sasabihin na naghihirap ang mga tao sa Filipinas, ‘e kapag pumasyal sa malls, dagsa ang tao. Hindi lamang sa mga department store, maging sa mga nakapaligid na mamahaling restoran.

Sabi, natanggap ang mga bonus sa trabaho kaya pasayahin daw ang kanilang pamilya, pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon,nganga!

***

Iyan ang Pinoy, gumagamit ng mamahaling gadgets gaya ng celfon. Kahit walang laman ang sikmura kakainin na lang ibibili pa ng load sa mamahaling cp.

Sikat daw kapag maganda ang celfon. Kaya maraming snatchers ang may pera ngayon sa araw ng Kapaskuhan!

SIMULA NA NG GIFT
GIVING NI OLIVAREZ

Itong nakalipas na araw ng Linggo,pagpasok ng unang araw ng buwan ng Disyembre, si Parañaque city mayor Edwin Olivarez, ang nakita natin na kauna-unahang Alkalde sa kalakhang Maynila ang namigay ng bag of groceries bilang pamaskong handog sa constituents niya sa kanyang lungsod.

Inuna niya ang mga nasunugan sa Bgy.Tambo, at mga biktima ng sunog sa kanyang hurisdiksiyon sa taong 2016.

Ibang klase si Mayor Edwin, pagdating pa lamang sa city hall nilalapitan ng mga tao, nakikipagkamay, kanyang inaakbayan ang kumakausap. ‘Yan ay kahit kita sa mukha ng Alkalde na galing siya sa mataong lugar at halatadong pagod pero hindi handa pa rin siyang makadaupang-palad ang mga taong nais siyang makaharap at makausap!

***

Ilan kaya ang gaya ni Mayor Olivarez na maging sa loob ng opis ay dagsa sa maghapon ang kaharap na tao. Natutulog ka pa ba Meyor?

***

Masuwerte at nasa tabi niya lagi ang kanyang City Administrator na si Ding Soriano, na mukhang pareho rin ni Mayor na workaholic. Sa ibang city hall, parang mayor ang mga City Administrator. Pero sa Parañaque City, kapag walang mayor, ang city administrator ang pinuputakti ng mga taong nangangailangan ng tulong!

DSWD BULAG

SA MGA BATANG PULUBI

Ngayong nalalapit na ang araw ng Kapaskuhan, lalong dumarami ang mga batang kalye na namamalimos sa mga sasakyan lalo kapag naka-stop sign ang mga signal light sa kalye, partikular diyan sa CCP Complex. Hindi man Pasko bulag ang DSWD dito sa Maynila.

Kumilos kayo!

ISUMBONG MO KAY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *