Friday , April 19 2024

19 pagkilala, nakopo ng ABS-CBN mula PUP Mabini Media Awards

120816-anthony-taberna-pup-mabini
Anthony Taberna was named as Best AM Radio Commentary Host in the 2nd PUP Mabini Media Awards.

PATULOY na namamayagpag ang ABS-CBN sa mga student award-giving body matapos makuha ang pinakamataas na awards para sa TV, radyo, print, at online sa katatapos lamang na Polytechnic University of the Philippines (PUP) Mabini Media awards noong nakaraang linggo.

Ang Kapamilya Network, na nangungu-nang media at entertainment company sa bansa, ay nag-uwi ng 19 pagkilala, kasama na ang Station of the Year para sa ABS-CBN, Best AM Radio Station of the Year para sa DZMM Radyo Patrol 630, Best Fashion and Lifestyle Magazine para sa Metro Magazine, at Best Online News Website para naman sa news.abs-cbn.com.

Nanguna ang ABS-CBN Integrated News & Current Affairs sa mga nanalo sa pagkakuha nito ng 10 awards kasama na ang Best Morning Program ng Umagang Kay Ganda, Best Educational Program ng  Matanglawin, Best Sports Program ng Sports U, Best Public Affairs Program ng Failon Ngayon, Best AM Radio News Program ng Radyo Patrol Balita, at Best AM Radio News Commentary Program para sa Dos Por Dos.

Ginawaran din ang mga batikang broadcast journalist na sina Karen Davila at Anthony Taberna bilang Best Female News Anchor at Best AM Radio Commentary Program Host.

Nanalo rin ang ABS-CBN ng mga major award para sa entertainment category. Pinangunahan ito ng pinagbibidahan ni Coco Martin na  FPJ’s Ang Probinsyano, na nanalo bilang Best Primetime Drama Series, It’s Showtime (Best Variety Show), Be My Lady (Best Daytime Drama Series), Gandang Gabi Vice (Best Talk Show), at  The Voice Kids (Best Game/Reality Show).

Ang flagship FM radio station naman ng Kapamilya Network na MOR 101.9, ay masaya ring nakapag-uwi ng dalawang awards sa pagkilala kay DJ Chacha Babes bilang Best FM Female DJ, samantalang Best FM Program naman ang Heartbeats with Chacha Babes.

Ang PUP Mabini Media Awards ang pinakamalaking students’ choice award-giving body na naglalayong magbigay-parangal sa mga natatanging media practitioner, network, programa, at estasyon ng radyo na nagsisilbing mga huwaran para sa mga communication student.

Sa pagkapanalo nito, tinanggap ng ABS-CBN ang ikawalong Best Station Award mula sa mga student award-giving body. Ang ABS-CBN ay tahanan ng top-rating TV programs, box-office films, best-selling na mga libro, at musika. Gamit ang pinakabagong teknolohiya, mabilis na nagbabago ang koompanya upang maging isang digital company na may pinakamalawak na impluwensiya online. Ang ABS-CBN din ang kauna-unahang naghandog ng content sa fans nito sa online at mobile, at una ring naghatid ng digital television sa bansa.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *