Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / OFWs wala nang terminal fee sa 2017
OFWs wala nang terminal fee sa 2017

OFWs wala nang terminal fee sa 2017

WALA nang ipapataw na terminal fees ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa overseas Filipino workers (OFW) simula sa Marso 2017.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, nakausap na niya ang mga kinatawan ng international airlines hinggil dito.

READ MORE:  Electoral sabotage inihain vs Comelec, Smartmatic, PPCRV

Dahil sa nasabing pagbabago sa sistema ng pambansang paliparan, wala nang sisingilin na P550 terminal fee sa mga OFW.

READ MORE:  Sen. JV suspendido

Umaasa si Monreal na hindi magbabago ng isip ang airline companies hinggil sa naturang hakbang.

Kasalukuyang binabalangkas ng magkabilang panig ang “memorandum of agreement” upang maisapinal na ang pagpapatupad nito.

READ MORE:  146,731 graduates may trabaho na

Sa ngayon, kailangan munang pumila ng ating mga kababayan sa mga airport terminal upang makakuha ng refund.

(GLORIA GALUNO)

COMMENTS

About Gloria Galuno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved