Friday , April 26 2024

Nilimot si Gat Andres Bonifacio

KAHAPON ginunita ng iba’t ibang grupo ang ika-153 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, ang tinaguriang ama ng rebolusyong Filipino  at tagapagtatag ng Katipunan.

Lumaban sa mananakop na dayuhang Español pero sa kinalaunan ay ipinapatay ng kapwa Filipino.

Mula sa Liwasang Bonifacio, Mendiola bridge at People Power monument sa EDSA, nakalulungkot pagmasdan ang mga demonstrador na imbes sumentro kay Bonifacio ang tema ng kanilang pagkilos, ay iba ang kanilang isinisigaw.

Ang dilawan at mga kaliwa ay gustong patalsikin si Duterte, kasabay ang panawagang hukayin ang labi ni dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ang mga pro-Marcos naman ay tutol sa pagpapatalsik kay Duterte at galit na tumututol na alisin ang labi ng dating presidente sa LNMB.

Pero, ang nakalulungkot ay kung bakit wala man lang sa mga nagtalumpati ang nagtanong sa harap ng  mga demonstrador kung sino ang responsable sa pagpaslang kay Bonifacio.

Nasaan ang kanyang bangkay at kung totoo bang ginahasa pa ang kanyang asawa na si Aling Oryang.

Kung ano-ano ang isinisigaw ng mga demonstrador sa paggunita ng kaarawan ni Bonifacio habang patuloy na naghihintay ng kasagutan at katarungan ang mapait na sinapit ng tagapagtatag ng Katipunan.

Nasaan din ang katarungan para kay Aling Oryang?  Hanggang ngayon, naghahanap ito ng katugunan.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *