Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Babaeng Russo huli sa Cocaine
Babaeng Russo huli sa Cocaine

Babaeng Russo huli sa Cocaine

ISA pang dayuhan ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 nang tangkaing magpuslit ng cocaine sa bansa, ayon sa Bureau of Customs NAIA kahapon.

Kinilala ni NAIA Customs District III  Collector Ed Macabeo ang suspek na si Anastasia Novopashina, 32, inaresto makaraang matagpuan ng mga Customs examiner ang ilegal na droga sa kanyang bagahe.

READ MORE:  Ecleo, Reyes bros isusunod — Palasyo

Batay sa kanyang travel record, si Novopashina ay dumating noong Lunes ng hapon mula Sao Paolo, Brazil via Dubai lulan ng Emirates Airlines flight EK332.

Nakuha sa kanyang tatlong jacket, sleeping bag at backpack ang mga cocaine na naamoy ng mga aso habang nasa conveyor ang mga bagahe.

READ MORE:  Bitay sa OFW tuloy ngayon Enero

Hindi pa madetermina ang aktuwal na timbang ng droga dahil kinailangan pang ibabad at ihiwalay ang cocaine sa mga fiber na pinagkapitan na gamit ng babae.

READ MORE:  P320 hirit na umento sa minimum wage ipinaliwanag ng labor group

Nasa pangangalaga na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Novopashina para sa kaukulang disposisyon.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad upang malaman kung sino ang kontak ng Russian sa Filipinas. ( JSY )

COMMENTS

About JSY

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved