Thursday , April 25 2024

Vice Ganda, naiyak, nalungkot, sumaya…nakapag-ambag

HINDI nagpatumpik-tumpik ang Star Cinema sa pelikulang The Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco Martin dahil mapapanood na ito sa Nobyembre 30 mula sa direksiyon ni Binibining Joyce Bernal.

Hindi pinalad na mapasama ang SPG movie nina Vice at Coco sa MMFF kaya naman sa grand presscon ng pelikula sa Impressions Restaurant, Resorts World noong Martes ay hiningan ng komento ang GGV host.

“Honestly, na-sad kasi ang intension namin ay sumali sa filmfest, pero ready kasi kami, ‘yung kami (cast) at Star Cinema, ready kami kung anong gagawin namin kung hindi masasali sa filmfest. Kaya hindi kami nataranta, tapos una sad noong nasa ‘Showtime’ ako, at natawa kasi si Vhong (Navarro) din, so dalawa kaming hindi napili.

“Nag-usap nga kami na sabi ko, ‘siguro kung ikaw lang ‘yung napili tapos ako hindi, masakit sa akin, pero dahil dalawa tayo, hindi masyadong masakit,” kuwento ni Vice.

Nang makauwi na raw ng bahay niya si Vice ay naiyak siya sa mga tweet sa kanya.

“Nagre-react ang mga tao at hinahanap nila ‘yung pelikula namin ni Coco this year, sobra akong na-overwhelmed kaya naiyak ako. Iyak ako ng iyak kasi nagkaroon ako ng realization na may maganda na pala akong naiambag sa mga buhay ng mga tao tuwing Pasko ngayon na hinahanap nila ako ‘pag Pasko at Bagong Taon. Na naging bahagi na pala ako nila at gusto nila ngayong Pasko, bahagi pa rin kami. Kaya sobra akong na-overwhelmed kasi ang sarap na I was able to do something right, I was able to do serve my purpose kasi iyon ‘yung purpose ko, eh, magpasaya at magpatawa ng tao, magpangiti, magpahagikgik, magpagaan ng pakiramdam at iyon ang naramdaman nila sa mga huli naming pelikula.

“Kaya na-serve ko ‘yung purpose ko, I was just so happy. Itong pangyayaring ito na mas napaaga ang pagpapakita ng pelikula, it’s a big blessing,” kuwento ni Vice.

Tulay para sa pagbabalik ni Kris Aquino

112416-vice-ganda-kris-aquino

At pagkatapos ng Q and A ay kinumusta si Kris Aquino kay Vice.

“Alam mo kanina habang nag-iinterbyuhan tayo (Q and A), kaya hawak ko ang telepono ko kasi tumatawag siya (Kris), kasi nasa bahay siya at may nakasalubong siya sa elevator na ano (sabay tawa ni Vice), ‘ay nakasalubong ko sa elevator si ano, chu chu chu. Mayroon kasi siyang iniintriga sa akin.

”Kris Aquino is a very strong woman, kung anuman ang pinagdaraanan niya ngayon, kayang-kaya niya ‘yan, mamaniin niya ‘yan. Sa rami ng pinagdaanan ng pamilya niya, ito pa bang mangyayari ngayon, hindi niya kakayanin? Kering-keri ni Kris ‘yan. Tatawanan lang niya ‘yan,” masamang sagot ng TV host.

Hindi man daw sila nagkikita ni Kris ay nagkakausap naman daw sila parati at si Bimby daw ay nagkakausap sila thru face time.

At kung si Vice ang masusunod ay gusto niyang magkasama pa rin sila ni Kris sa ABS-CBN, “ayaw natin ng naghihiwalay, mas maganda kung iisang pamilya tayo para masaya.”

Inalam namin kung totoong si Vice ang namamagitan kay Kris para kausapin si ABS-CBN Chief Operating Officer na si Ms Cory Vidanes para ipaalam na gusto na nitong bumalik sa Kapamilya Network.

“Ay hindi naman totoo ‘yan. Kris never asks me to do anything, to be like a bridge or middleman, wala. Actually hindi nga namin pinag-uusapan ‘yun, eh. Tuwing mag-uusap kami, naghaharutan lang kaming dalawa, masaya kami.

“Ako kasi kapag alam kong malungkot ang kaibigan ko, ayaw ko siyang palungkutin, at hindi rin ako madawdaw o pakialamera o tsismosa. Kung hindi siya (Kris) magkukuwento, hindi rin ako nagtatanong. And since hindi rin naman niya ino-open lahat, feeling ko gusto niya masaya lang kami,” paglilinaw ni Vice.

Saang network na raw si Kris ngayon? “Ayokong magtanong at ayoko ring maramdaman niya na kapag tinawagan ko siya, nagpi-fish ako. Gusto ko kapag nag-uusap kami, kaming dalawa ‘yung pinag-uusapan. Ayokong maramdaman niyang kumukuha ako ng tsismis.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *