Friday , April 26 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

When it rains it pours (Sa buenas o malas…)

PARA sa mga magsasakang naghihintay na mabasa ang kanilang lupang sakahan, ang ulan ay isang biyaya. Pero sa mga magsasakang, malapit nang umani ng palay, ang ulan ay delubyo kapag naprehuwisyo ang kanilang aanihin.

Hindi malayo riyan ang hinaharap na problema ngayon ni Senator Joel “Tesdaman” Villanueva. Si Tesdaman, isa sa mga paboritong cabinet member ng dating pangulong si Noynoy Aquino ay mapalad (kompara sa kanyang Daddy) na nagwaging senador nitong nakaraang May elections sa ilalim ng dating ruling party na Liberal.

Masasabi nating, mapalad si Tesdaman.

Isa siyang politiko na tila hindi dumaraan sa matitinik na yugto ng buhay-politika.

Ang kanyang tatay ay dalawang beses tumakbong pangulo ng bansa. Impresibo ang plataporma pero hindi pinalad.

Dalawang beses na nabutata sa eleksiyon.

Pero mukhang si Mr. Tesdaman ang umani ng mga binhing inilatag ng kanilang tatay na si Jesus Is Lord (JIL) founder Eddie Villanueva.

Wala tayong natatandaan na nailampaso sa mga halalang nilahukan si Senator Joel Villanueva.

Lagi siyang panalo.

Nito ngang nakaraang eleksiyon ay nagwagi siyang Senador ng bansa.

Aba ‘e parang bumubuhos ang suwerte kapag nakikita natin ang hindi matapos-tapos na ngiti ni Senador Joel.

Pero ano ito!?

Biglang naglabas ng dismissal order si Ombudsman Conchita Carpio-Morales at inuutusan ang Senado na sibakin si Tesdaman dahil sa maanomalyang paggamit sa kanyang pork barrel fund noong siya ay kongresista pa.

Araykupo!!!

Sinabi ni Morales, “guilty” ang dating Cibac party-list representative sa “grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the interest of the service” na nag-ugat sa maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2008.

111616-joel-villanueva-tesda

Inirekomenda ng anti-graft body na isailalim sa paglilitis ang bagitong senador para sa kaso ng dalawang bilang ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019), Malversation of Public Funds at Malversation thru Falsification of Public Documents.

Hindi naman nag-iisa si Mr. Tesdaman, kasama niya sa mga inasunto sina dating Department of Agriculture (DA) Secretary Arthur Yap, ang staff niyang si Ronald Samonte, DA employee Delia Ladera, NABCOR representatives Alan Javellana, Romulo Relevo, Ma. Julie Villaralvo-Johnson, Rhodora Mendoza, at Maria Ninez Guanizo; at si Aaron Foundation Philippines, Inc. (AFPI) President Alfredo Ronquillo.

Sabi raw kasi sa proyekto, gagamitin ang PDAF allocation ni Sen. Villanueva sa pagbili ng seedlings ng pechay, radish, sitaw, okra, hybrid yellow corn, liquid fertilizers at threshers mula sa MJ Rickson Trading Corporation para sa mga residente sa Pantukan, Nabunturan, Tambongon, Bongabong, Napnapan, Mipangi, Anislagan at Magsaysay sa Compostela Valley province.

Pero sa imbestigasyon ng Ombudsman, walang sino man sa listahan ng mga benepisaryo ang registered voter o residente sa lugar.

Kinompirma rin ng mga lokal na opisyal na walang agri-based livelihood projects na naipatupad ang AFPI.

Wattafak!?

Walang ibang puwedeng gawin si Tesdaman kundi ang umapela at idepensa ang sarili niya sa isyung ito.

Puwede rin namang i-pray over siya ng kanyang tatay at ng buong simbahan para maiwaksi ang kamalasan.

Kailangan lang magdasal at manalig si Mr. Tesdaman para tumalab ang pray over.

Hindi ba tatay Eddie?!

PANSAMANTALA, puwedeng gayahin ni Senator Joel si Rep. Ruffy Biazon at si Sen. JV ejercito, na kusa na siyang magbakasyon para naman makita ng tao na mayroon siyang delicadeza.

Ano sa palagay ninyo, Mr. Tesdaman?!

PRESIDENT KOKO
PIMENTEL BINUTATA
SI SECRETARY
MARTIN ANDANAR

111616-andanar-koko-pimentel

Mukhang hindi nakatutulong ang mga estilo ni Communications Secretary Martin Paandar ‘este Andanar para ipagtanggol si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa isyu ng paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos.

Kung tutuusin, mas dapat na diinan ni Paandar ‘este Andanar ang batas na ginamit na salalayan ng Pangulo sa kanyang desisyon na pumapayag siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ang dating Pangulo na tinawag na diktador at promotor ng Martial Law.

Ang matindi, nag-side comment pa si Paandar ‘este Andanar.

“Temperamental brats” daw ‘yung mga nagrarali laban sa paglilibing kay Macoy.

Bigla tuloy nag-react si Senate President Koko: “Bumalik ka sa pag-aaral ng kasaysayan!”

Kulang na lang sigurong sabihin ni Senator Koko, “vacuum ang utak mo!”

Anyway, hindi dapat ginagaya ni Sec. Andanar ang estilo ng Pangulo.

Iba si tatay Digong.

Nakapundar sa pinanday na personalidad ng Pangulo ang pagbigkas niya ng mga katagang sumasaltik sa pinatatamaan.

Kaya itinalagang ‘Communications’ Secretary si Andanar ‘e para ipaunawa sa publiko ang mga desisyon ni Digong.

Hindi siya dapat nakikipag-away lalo sa maseselan at sensitibong isyu ng Martial Law at paglilibing kay FEM.

Kaya nga siya communications secretary, ‘di ba?

Sa ganang atin, gusto lang po namin ulitin ang sinabi ni Senate President Koko kay Secretary Andanar: “So Martin Andanar should review his history…”

And please talk intelligently.

‘Yun lang po!

CONGRATULATIONS
TO THE NEW CPAs!

111616-jsy-jeff-cpa

Kahapon ay oath-taking ng 5,249 mga bagong certified public accountant (CPA) na kumuha ng licensure exam nitong 1 Oktubre 2016.

Sila ang nakapasa mula sa 14,390 examinees.

Isa ang aming pamilya sa mga nagagalak dahil kasama sa mga nakapasa at nanumpa kahapon ang aking pamangkin na si Jeffrey Harvey Yap.

Ang announcement ng pagkakapasa ni Jeff sa CPA licensure exam ay lumabas, dalawang araw, matapos pumanaw ang kanyang ama, ang aking kapatid ni si Jimmy.

Alam naming malaking achievement iyon para sa buong pamilya, pero nakalulungkot na hindi ito inabot ng kanyang tatay.

Pero sabi nga, may rason ang Dakilang Manlilikha para sa mga pangyayaring gaya nito.

Sa kasalukuyan, iniaalay namin ang tagumpay ng aking pamangkin na si Jeffrey para sa aming mga magulang at sa kanyang ama.

Congratulations Jeff at sa lahat ng mga nakapasa sa CPA licensure exam.

Hone your future, nurture your career.

Kayo ay dangal ng ating bansa! Mabuhay kayo mga pag-asa ng bayan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *