Thursday , April 25 2024
drugs pot session arrest

Pot session sa Makati niratrat (2 patay, 1 sugatan)

DALAWA ang patay habang isa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo habang nagpa-pot session ang mga biktima sa loob ng isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina James Abad at Romeo Sudanio, pawang nasa hustong gulang, ng Brgy. Pio del Pilar, Makati City.

Habang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center ang kasama nilang si Carlos Caringal.

Sinisikap ng Makati City Police na tukuyin ang pagkakilanlan ng tatlong suspek na sakay ng isang motorsiklong walang plaka.

Pasado 12:00 am nang mangyari ang pamamaril sa J. Victor St., Brgy. Pio del Pilar ng nasabing lungsod.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *