Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Solido pa rin ang kaliwa ni Pacman
Solido pa rin ang kaliwa ni Pacman

Solido pa rin ang kaliwa ni Pacman

LAHAT na ng partida ay pabor kay Jessie Vargas.   Sa edad, mas bata siya ng sampung taon kay Manny Pacquiao;   lamang siya ng 4 inches sa height;  malaki rin ang lamang niya sa reach;  lamang siya ng dalawang pounds sa aktuwal na weigh-in;   at higit sa lahat, matagal-tagal ding nagarahe si Pacman dahil sa pagreretiro, samantalang si Vargas ay nasa kasagsagan ng kanyang boxing career.

READ MORE:  Bowles balik-Star

Pero pagkatapos ng 12 rounds ng bakbakan at  ianunsiyo ang resulta ng  laban—unanimous decision.   Lahat ng tatlong hurado ay pumabor kay Pacman.

Take note, si Vargas ay hindi pipitsuging boxer.   Siya ang kampeon ng WBO welterweight division.   At kahit pa nga hindi siya napatulog ni Pacquiao pagkatapos ng knockdown sa 2nd round, masasabi nating hindi pa nga laos ang Pambansang Kamao.

Ang ibig sabihin, bumaba man ang kanyang laro, angat pa rin siya sa kalidad sa mga kasalukuyang boxer.  Kayang-kaya pang makipagsabayan sa mga batang boksingero na sumisikat sa kasalukuyan.

READ MORE:  Red Lions diretso sa 13 wins

Kaya duda tayo kung lalaban pa sa kanya sina Juan Manuel Marquez at Floyd Mayweather Jr. na parehong pasisid na ang laro.

0o0

Tama si Nonito Donaire nang angalan niya ang naging verdict ng laban nila ni Jessie Magdaleno na nagtapos sa unanimous decision pabor sa huli.

READ MORE:  Malayo pa sa Done Deal

Aba’y talaga namang dikit ang laban at kung walang kinikilingan ang mga hurado—puwede pang manalo sa iskor si Donaire.

Hindi nga ganoon ang nangyari.   Hindi naging one-sided ang laban pero one-sided ang iskoring pabor kay Magdaleno.

Ang mahiwagang iskor ay ang sumusunod: 116-112, 116-112, at 118-110, pabor lahat kay Magdaleno.

KURIT SUNDOT
ni Alex L. Cruz

COMMENTS

About Alex Cruz

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved