Tuesday , January 24 2017
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Nagpigil si Donaire kaya natalo (Isang Jessie nanalo, isang Jessie natalo din)
Nagpigil si Donaire kaya natalo (Isang Jessie nanalo, isang Jessie natalo din)

Nagpigil si Donaire kaya natalo (Isang Jessie nanalo, isang Jessie natalo din)

ANG dapat sana’y preview sa panalo ng Pinoy boxing iconManny Pacquiao kontra sa hindi kilalang kampeon na si Jessie Vargas ay naging bangungot kay Nonito Donaire sa pagkatalo ng kanyang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight crown kay Jessie Magdaleno via unanimous decision.

Lamang na ang fighting senator sa buong laban niya kay Vargas at sa ikalawang round pa lang ay napabagsak niya ang Amerikanong boksingero bago pinadugo ang kanang kilay sa pa-mamagitan ng kaliwang suntok sa huling yugto ng welterweight title bout.

Hindi nagtaka ang boxing fans nang ideklara si Pacquiao na bagong kampeon sanhi ng naitalang iskor ng mga judges na 114-113, 118-109 at 118-109—pabor lahat sa Pambansang Kamao.

Madikit naman ang laban nina Donaire at Magdaleno sa undercard ng Pacquiao-Vargas championship na ginanap sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Umiskor ng 116-112 (da-lawang beses) at 118-110 ang 24-anyos na si Magdaleno para sa upset sa The Filipino Flash. Ito’y sa kabila ng iskor ng Philstar.com na 115-112 pavor kay Donaire, na nagsabing akala niya siya ang nagwagi.

“We definitely won the fight. Losing this never crossed my mind. I controlled the second half. I can’t believe it,” pahayag ng Pinoy pagkatapos ng laban.

Ngunit sa ibinigay na bilang ng suntok, lumamang si Magdaleno at gayon din ang naging kalamangan niya kay Donaire sa bilang ng mga tumamang suntok sa kampeon.

“I don’t understand the scoring,” dagdag ni Donaire, na sa unang dalawang round ay kitang-kitang nagpigil sa kanyang pag-atake. Nagpalitan na lang ang dalawa ng matinding suntok sa second half ng laban, na nagwakas sa parehong pagkasugat sa kilay ng magkatunggali.

Kalaunan ay lumapit si Magdaleno kay Donaire para magbigay ng pagpugay sa The Filipino Flash: “I have respect for you.”

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Scroll To Top

Get Widget