Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Donaire ninakawan ng belt
Donaire ninakawan ng belt

Donaire ninakawan ng belt

Masaklap ang naging resulta ng laban ni Nonito Donaire ito’y matapos agawin ni Jessie Magdaleno ang World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight title kahapon sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.

Pumabor ang tatlong judges sa wala pang talong si Magdaleno kaya yumuko si Donaire via unanimous 12-round decision.

READ MORE:  Cha Cruz: Philippine Superliga Player of the Week

Halos parehas ang naging labanan at inaasahan ng magiging dikit ang resulta pero iba ang naging tingin ng tatlong hurado.

Nakopo ni Magdaleno ang lahat ng bentahe sa iskor na 116-112, 116-112, at 118-110, sa huling card, lumalabas na dalawang rounds lang ang ipinanalo ni Donaire.

READ MORE:  Nets sinilo ang Celtics

At dahil dismayado sa resulta, agad tumungo si Donaire sa judges’s table pagkatapos mahirang na kampeon si Magdaleno.

May kartang 24-0 ang 24-year-old na si Magdaleno habang 37-4 win-loss ang record ni former champion Donaire.

READ MORE:  Cavs bumawi sa Warriors

Si Magdaleno ang naging number one contender at sa huling 10 panalo niya, walo ay galing sa knockout.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved