Tuesday , April 23 2024

Pakikipagtarayan ni Carmina kina Zoren at Angel sa “Till I Met You” humamig ng magandang rating

Bea Alonzo hindi mapiga sa relasyon nila ni Gerald Anderson

PAREHONG na-interview ng mga reporter sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa Star Magic Ball 2016 na ginanap kamakailan sa Makati Shangri-la at siyempre ang topic ay tungkol sa romansang namamagitan ngayon sa dalawa lalo’t madalas silang makitang magka-date. Si Gerald cool lang sa issue at aminado ang Kapamilya actor na lumalabas sila ni Bea at masaya raw sila sa kung anong meron sila ngayon ng aktres.

Nang si Bea naman ang hingan ng reaction at pinaaamin sa relasyon nila ni Gerald kung sila na ba ng actor? Pangising sumagot na parang nang-iinsulto, ano raw ba ang aaminin niya sabay layas sa harapan ng press. Hindi na nila napiga ang aktres ay nagmukha pang mga tanga ang mga kapatid natin sa hanapbuhay.

So ka-turn off naman gyud!

***

Humamig pala ng magandang rating na 14.6% ang episode ng “Till I Meet You” nitong Lunes, October 24 habang namamanhikan si Basti (James Reid) sa pamilya ni Iris (Nadine Lustre), kasama ang daddy na si Nestor (ZorenLegaspi) at live-in partner na si Val (Angel Aquino).

Ayaw paawat ang Mama ni Iris na si Cass (Carmina Villaroel) sa kanyang pagtataray sa ex na si Nestor na nabaling sa dating bestfriend na si Val, nang sumabad sa usapan at nakialam sa tungkol sa kasal ng daughter kay Basti.

Ayaw pakinggan ni Cass, si Val kahit na sinabi pa ng huli na inurong na nila ang wedding date nila ni Nestor dahil gusto nilang mag-giveway sa mga bata.

Hayun bumuwelta na rin si Val at nagsisigaw sabay walk-out sa bahay ni Cass at humingi ng dispensa sa kaibigan rin nilang si Agnes (Pokwang).

Habang nagdidiskusyon, hayun gamit ang sasakyan ni Ali (Jc Santos) biglang umalis sina Basti at Iris at hindi nila alam kung saan nagpunta ang dalawa? Naku, may kasalan pa bang magaganap o wala na?

Abangan ang kasagutan sa Till I Met You, na mapapanood weeknights bago ang Pinoy Big Brother Season 7 sa ABS-CBN Primetime Bida.

TROPS NG BAES PAREHONG NO. 1 SA TRENDING AT RATINGS

Masayang-masaya ang buong cast ng “TROPS” at nagbunyi ang fans sa magandang outcome ng pilot episode ng Youth Oriented TV Program na napanood simula noong Lunes bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.

Bukod sa number one trending ay panalo rin sila sa AGB Nielsen Mega Manila Ratings at halos pumantay sa rating ng katapat na show sa kalabang network sa Kantar Media Ratings. Kaya naman kahapon sa Bulaga, ay sinamantala ng lahat ng miyembro ng Baes na sina Kenneth, Miggy, Kim, Tommy, Joel at Jon na pasalamatan ang lahat ng fans at supporters.

Nagpa-thank you, rin ang isa sa girl ng Trops na si Taki sa lahat ng televiewers nila. Millenial ang takbo ng istorya ng TROPS, kaya marami ang makare-relate sa programang ito na umeere Lunes hanggang Biyernes tuwing 11:30 ng umaga.

Alden at Maine magkasama na sa iisang bubong
MGA REGALO IPINAMAHAGI SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG LAWIN

Pagkatapos ng kanilang kasal noong Sabado sa Christ The King sa Kyusi na dinaluhan ng pamilya, kaibigan  at mga kasamahang Dabarkads sa Eat Bulaga, magkasama na ngayon sa iisang bubong bilang mag-asawa sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nakatira ngayon ang dalawa sa isang bungalow house, kung saan sinimulan ni Maine na ipagluto ng chopsuey ang guwapong mister. Siya mismo ang namalengke at bumili ng prutas.

Ang cute ng biruan ng dalawa lalo na nang humiling na si Alden sa kanyang misis ng salubong na kiss. At tulad ng the usual na bagong kasal, may konting pagtatalo sa AlDub na nauwi agad sa pagkakasundo at sweetness, sabay pangako na walang iwanan sa isa’t isa at magsasama sila forever.

Samantala sa pagbisita nina Lola Tinidora (Jose) at Nidora (Wally) sa apong si Yaya Dub (Maine) ay ibinalita nila sa mag-asawa ang mga regalo na ibinigay ng kanilang mga bisita sa kasal. ‘Yung iba ay galing pa sa mga tagahanga nila sa ibang bansa.

Ang naisip ng newly weds ay ipamahagi sa mga biktima ng bagyong Lawin partikular na sa Cayagan, Isabela at Aurora province.

Ang ganda ng attitude nina Alden at Maine na mas inuuna ang kapwa kaysa kapakanan nila. Nasa 354 episodes na ang KalyeSerye ng AlDub sa Eat Bulaga at mas kakikiligan ninyo ang pagbabalik nito sa ere.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *