Thursday , April 25 2024

Pag-alalay kay Sunshine ng kaibigan, binigyang malisya ng ilang social media user

MAYROON pang isa sa social media. Nag-apologize raw kay Sunshine Cruz iyong isang social media user na naglabas ng kanyang kinunang picture ng aktres na kasama ang kaibigan niya habang tumatawid saBonifacio Global City. Pero natawa pa kami sa sinasabing apology, kasi ang sabi dahil sa kanyang ginawang post ”nabuko tuloy ang lovelife ni Sunshine”.

Una, ano ang malisya sa hawakan ang kamay o alalayan ang isang babae habang tumatawid sa daan? Bakit binigyan agad nila ng malisya iyon?

Ikalawa, ano naman ang masama kung may manligaw kay Sunshine ngayon eh apat na taon na naman siyang hiwalay sa kanyang asawa? Ang masama ay kung mag-aasawa siya nang hindi pa annulled ang kanyang kasal. Walang legal na batas na nagsasabing bawal ligawan ang isang babaeng hiwalay sa asawa. Maaari pang sabihing “illicit” kung masasabing may nangyayari nang relasyon. Tandaan ninyo ang sinabi namin ha “illicit” hindi “illegal”. Ibig sabihin, hindi maganda, pero hindi bawal.

Ewan, kaya kami nga bagamat inaamin namin na mayroon din naman kaming mga social media account, hindi kami patol ng patol sa mga ganyan. Lehitimong diyaryo pa rin ang binabasa namin.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *