Thursday , April 25 2024

Kim kay Gerald at Xian Lim kay Coleen na (KimXi love team buwag na ba?)

BILANG propesyonal na artista ay pumayag na raw si Kim Chiu na makapareha uli sa isang project ang ex boyfriend na si Gerald Anderson.

Sabi ay si Kim na raw ang ipinalit ng Dreamscape Entertainment kay Yen Santos sa “Because You Love,” at ang sinasabing dahilan raw ng pag-atras ni Yen sa proyekto ay baka hindi na kayanin pa ng aktres na magampanan ang character gaya ng ginagampanan nina Gerald at Jake sa drama serye na involve sa popular na triathlon ang pinagsamang sports na swimming, cycling at running.

Napahanga pa naman si Yen sa magandang tanawin at mababait na tao sa set nila sa Bulalacao,  Mindoro. Nakapag-taping sila roon ng ilang episode ni Gerald sa direksiyon ni Dan Villegas pero hindi na pala tuloy ang dalaga at si Kim na ang final choice para pumalit sa kanya.

Sa recent interview ng ABS-CBN.com kay Kim ay sinagot niya ang muling pakikipagtambal kay Gerald, “Trabaho is trabaho. Kung ano ang ibigay ng management sa amin ay ‘yun iyon. Professionalism.”

Samantala bukas ay may media announcement ang Dreamscape Entertainment para sa bago nilang programa at baka ito na ‘yung comeback project nina Kim at Gerald. Ang ka-loveteam naman ni Kim na si Xian Lim, ay susubukang i-partner ng Star Cinema kay Coleen Garcia at ang magdi-direk nito ay si Jason Paul Laxamana na director ng kasalukuyang hit movie na “The Third Party.”

So paghihiwalayin na ang KimXi loveteam gyud!

Sa Solaire Resort & Casino sa October 28
WORLD-CLASS PINOY PERFORMERS ARNEL,
MICHAEL, MORISSETTE & THE 4th IMPACT
MAY PASABOG SA POWERHOUSE CONCERT

Perfect choice para sa pitong baguhang concert producers na kinabibilangan nina Atty. Cametta Lozada at ng bagong Darling of the Press na si Mama Lily Chua ang mga artist performer na kinuha nila para sa kanilang naka-set na PowerHouse Concert ngayong October 28, 7:00 ng gabi na gaganapin sa The Theater ng Solaire Resort & Casino at ito’y kinabibilangan nina Arnel Pineda, Michael Pangilinan, Morissette Amon, The 4th Impact na binubuo ng magkakapatid na Almira, Celine, Irene at Mylene Cercado na naging finalist sa X Factor-UK at Mayumi kasama ang T.O.M.S Band.

Yes bukod kasi sa parehong world-class performers ang mga nabanggit na artist ay may kani-kaniya na silang crowd. Marami ang nag-aabang sa kanila sa Solaire concert patunay nito ang lakas ng benta ng tickets at may interesado pang bilhin ang show kahit bawi na sila at may kita pa. Pero tumanggi sina Mama Lily sa nasabing alok, dahil bahagi ng kanilang kita ay ibibigay nila sa napiling apat na beneficiaries at apat na charities ang Kapisanan ng mga Kababaihan, Senior Citizens, Catholic Women’s League at Eye Clinic sa Kamuning.

Sa tanong na bilang baguhan sa field na ito, kung may na-encounter silang problema sa production? Ito ang naging tugon ni Mama Lily, “Lahat kami well organized kaya wala kaming naging problema. Wala ring naging diskusyon,” pahayag ng mabait at very generous na produ sa presscon na ipinatawag nila recently lang para kina Arnel at The 4th Impact sa Eclipse Bar sa Solaire.

Aniya, posibleng mag-produce rin ng pelikula ang production nilang Lucky 7 Koi kasama ang anim pang kaibigan kabilang ang lawyer sa grupo na si Atty. Cametta Lozada. Pahayag niya, “This is our first time to put up a concert, and a show as big as this, it is really a pleasure to us to be working with these great talents. Aside from Mr. Arnel Pineda whose immense talent greatly contributed to the acknowledgement of the world to Filipino talents, The 4th Impact will also join us on this concert, alongside the lovely and captivating performers of the country’s two of the most requested artists, Michael Pangilinan and Morissette Amon,” aniya sa mga invited press and bloggers.

Para sa inyong tickets just visit www.ticketworld.com or you may call (02)891-9999.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *