Wednesday , April 24 2024

Most wanted sa Calamba utas sa shootout

PATAY ang isang lalaking itinuturing na most wanted criminal, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Laguna.

Ang suspek na si Rosano Lirio alias Totoy ay sisilbihan sana ng arrest warrant para sa kasong murder pasado 10:00 pm nang paputukan niya ang papalapit na mga pulis sa kanyang safehouse.

“Napansin niya na may mga tao na papalapit dun sa kanyang bahay at agaran nitong pinaputukan ‘yung mga pulis natin. At alam naman natin itong taong ito talagang lumalaban sa pulis. So napilitan ang mga pulis natin para ‘yung last resort natin para maidepensa ‘yung sarili nila,” pahayag ni Supt. Albert Tapulao.

Ang arrest warrant para kay Lirio ay bunsod nang pagpatay kay PO2 Alvin Asignado noong 2015.

Si Lirio ay sinasabing miyembro ng gun-for-hire group. Kabilang din siya sa drug watchlist sa nasabing lalawigan.

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *