Thursday , April 25 2024

Direk Perci, sobrang bumilib sa pagka-professional ni Anne

MAGKAIBA ang kuwento ng The Third Party at Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend na kasalukuyang palabas ngayon mula sa Viva Films.

Iisa ang tanong sa amin ng mga kaibigan at kakilala namin kung ano raw ang mas maganda sa dalawang pelikula na hindi naman talaga maiiwasang ikompara dahil parehong may gay characters.

Pero sabi nga ni direk Jun Lana, “’yung sa kanila (The Third Party) kasi, mas serious at saka they really tackle the LGBT (Lesbian Gay Bisexual and Transgender), ‘yung struggle ng gay couple.

“’Yung sa ‘Gwapo’, we barely touch on that, rom-com talaga kami. At saka kay Anne (Curtis) naka-focus kaya roon nagkaiba. ‘Yung ‘Third Party’, sa kanilang tatlo, itong ‘Gwapo’, nasa point of view lang ni Anne.”

Tama naman, kay Anne umikot ang istorya ng Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend na may trauma na dahil lahat ng naging boyfriend niya ay bading pala at iniwan siya kaya naman devastated siya to the max.

Bumalik ang alaala namin kay Anne noong nalasing siya ay bigla siyang nagwala at lahat ng lalaking bisita sa party ay pinagsisigawan, kinutya dahil nga bading lahat.

‘Di ba Ateng Maricris, ganito ang nangyari rin noon kay Anne tatlong taon na ang nakararaan nang malasing siya at magwala sa isang sosyal na bar sa Bonifacio Global City na sinampal niya si John Lloyd Cruz at sabay sabing, “I can buy you, your friends and this club.”

Ito pala ‘yung ikinuwento sa amin ni direk Perci Intalan na noong nag-present sila kay Anne na nakainom siya at kailangan niyang magwala ay alanganin sila dahil baka raw hindi magustuhan ng aktres o kaya ay inaasar siya.

“Pero nakahinga kami ng maluwag ni Jun noong sinabi ni Anne, ‘okay, I’ll do it.’ Kaya sobrang bilib kami kay Anne sa pagiging professional niya, at sobrang bait pa,” kuwento ng better-half ni direk Jun sa amin.

Anyway, events organizer sina Anne at Paulo Ballesteros bukod pa sa mag-bestfriends sila kaya magkasundo sila sa lahat ng bagay dahil pareho silang sawi sa pag-ibig.

Nawala sa focus si Paolo sa trabaho nang bumalik sa bansa ang bestfriend at long-time crush/love niyang si Dennis Trillo.

Akala ni Paolo kaya bumalik ay gusto siyang makita ay dahil ipagtatapat na nitong beki rin siya, pero mali ang hinala ng aktor dahil kukunin pala siyang wedding coordinator para sa kasal nila ni Yam Concepcion.

Halos maloka si Paolo nang makaharap na sina Dennis at Yam na naglalambingan sa harap niya at hindi niya kayang tanggapin kaya gusto niyang i-postpone muna ang kasal ng dalawa na hindi naman pumayag dahil kaunti lang ang bakasyon nila sa Pilipinas.

At dahil sanay si Anne kumilatis ng beks o bading ay ipinakilatis ni Paolo si Dennis sa dalaga para malaman kung kabaro nga.

Sa una ay in-assume ni Anne na beks si Dennis dahil nahuhuli niyang malamya at lahat ng qualities ng pagiging bading ay taglay ng aktor bukod pa sa may bading sa pamilya ng aktor dahil ang twin brother ng tatay niyang heneral ay gay na ginagampanan ni Michael de Mesa.

Pero biglang nalito si Anne dahil pagdating naman sa disposisyon sa buhay ay lalaki naman si Dennis at diretso ang isip nito.

Kaya sa tuwing tatanungin siya ni bestfriend Paolo ay hindi niya masabing beks talaga si Dennis kasi nga magulo.

Laging magkasama sina Anne at Dennis sa lahat ng preparations ng kasal dahil laging wala si Yam na busy daw sa work kaya ang ending nagkalapit nang husto ang groom to be at wedding coordinator staff.

Iwinawaglit ni Dennis ang nararamdaman kay Anne dahil nga ikakasal na siya kay Yam.

Ang mga manonood na ang tumapos ng kuwento namin kaya dapat panoorin nila ang Bakit Lahat Ng Gwapo Ay May Boyfriend na palabas na kahapon pa.

Masaya at nakatatawa ang pelikula, lalo na si Anne na magaling talaga sa comedy, ito naman kasi ang forte niya, lalo na si Paolo na talagang guwapo sa pelikula at sasabihin mo, sayang, bakit ka ba naging beks?

At revelation naman si Dennis dahil sa entire showbiz career niya ay ngayon lang siya nagsuot ng trunks at talagang hiyawan ang lahat ng tao sa SM Megamall Cinema 7 dahil ang sexy ng aktor at maputi pa ang butt nito.

Tulala sina Paolo at Anne nang makita ang buong katawan ni Dennis habang paahon ng swimming pool dahil maganda naman talaga at may abs pa.

Panalo rin ‘yung gumanap na beks na gym instructor at part-time designer dahil maton ang hitsura, pero kung makagiling ay daig pa ang babae sa sobrang lambot ng katawan.

Isang eksena lang si Joross Gamboa pero markado nang sabihin niya kay Anne na, “hindi ka naman maganda, eh, maputi ka lang at ang kapal ng bibig mo!”

Sakto lang ang acting ni Yam bilang sossy girlfriend ni Dennis, medyo makapal lang ang make-up kaya namumuti ang mukha.

( Reggee Bonoan )

About Reggee Bonoan

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *