Saturday , April 20 2024

199 adik dadalhin sa rehab

AABOT sa 199 residenteng napatunayang lulong sa ilegal na droga na una nang sumuko sa pamahalaan sa ilalim ng “Oplan Tokhang” ang ipare-rehabilitate at sasagutin ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang gastos sa rehabilitasyon.

Sinabi ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, ipadadala ang 199 drug dependents sa Central Luzon Drug Rehabilitation Center sa Magalang, Pampanga.  Tatagal ang rehabilistasyon sa loob ng anim buwan.

Samantala, nasa 988 ‘mild to moderate drug users’ ang isasailalim sa ‘Community-based Wellness Program’ para sa kanilang rehabilitasyon na pamamahalaan ng 33 barangay sa lungsod.

Tatagal ang programa ng anim buwan na mahigpit na imo-monitor ng 120 health service coordinators sa mga barangay ang ang drug dependents.

Makaraan sumailalim sa drug rehabilitation program, ang mga matagumpay na makakapagbagong-buhay ay tutulungan ng pamahalaang lokal na makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng  kapartner nilang mga kompanya.

Tinatayang gagastos ang lokal na pamahalaan ng P6,500 bawat pasyente o kabuuang P39,000 para sa kompletong gamutan. Bukod dito, bibigyan ng ‘food subsidy’ ang pamilya ng mga pasyenteng inaasahan ng kanilang kaanak para sa kanilang ikabubuhay.

Sinabi ni Gatchalian, ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang kauna-unahan sa bansa na nakapaglaan ng intensibong programa sa rehabilitasyon ng mga napasukong drug users kasunod ng intensibong kampanya ng Philippine National Police kontra ilegal na droga.

Nauna pa aniya ang kanilang drug rehabilitation program sa inilabas na Memorandum Circular No. 2016-11 ng Department of the Interior and Local Government o ang ‘Masa Masid Program” na nag-uutos sa kaparehong uri ng programa sa mga local na pamahalaan.

( JUN DAVID )

About Jun David

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *