Saturday , April 20 2024

Lasing na obrero nalunod sa dam

LAOAG CITY – Nalunod sa dam sa Brgy. Parparoroc, Vintar, Ilocos Norte ang isang construction worker kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jojo Agbayani, 25, may live-in partner, isang construction worker, at residente sa Brgy. 56-A, Bacsil North sa lungsod ng Laoag.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Vintar, nagtungo ang biktima kasama ang ilang kaibigan at isang kapatid sa Vintar dam at doon sila nag-inoman at naligo.

Habang sila ay naliligo, umakyat ang biktima sa tore ng dam nang apat na beses at saka nag-dive.

Makaraan ang pag-apat na pag-dive ng biktima, hindi na siya umahon kaya’t nagpasaklolo sila sa rescuers ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng bayan ng Vintar ngunit wala nang buhay nang matagpuan si Agbayani.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *