Friday , April 19 2024

The Escort, sexiest and boldest film ni Lovi

“W OW at wow,” ito ang nasabi na lang ng entertainment press na dumalo sa grand presscon ng pelikulang The Escort nang mapanood ang trailer nito dahil sobrang sexy ni Lovi Poe at grabe ang love scene niya kinaDerek Ramsay at Christopher de Leon na bigay na bigay.

Kaya naman pagkatapos ng Q and A ay tinanong si Lovi kung ang The Escort ang sexiest o boldest film na nagawa niya sa buong showbiz career niya.

“I think it is the sexiest I’ve done. Siguro matagal na panahon din akong napahinga sa ganitong klaseng pelikula, now that I’m back, suwerte po ako na kasama ko sina Derek at Christopher,” bungad ni Lovi.

Kung hindi kami nagkakamali ang huling sexy movie na napanood namin kay Lovi ay ang My Neighbor’s Wife noong 2011 kasama  sina Jake Cuenca, Carla Abellana, at Dennis Trillo na talagang matitindi rin ang love scene niya sa dalawang aktor.

Going back to The Escort ay self-explanatory naman ang title na isang ‘bayarang babae’ si Lovi dahil nga trabaho niya.

At dahil parehong may matinding love scene si Lovi kina Derek at Boyet ay ano ang naramdaman ng aktres?

“Kapag mga ganoong eksena po kasi, marami kang maiisip, siyempre ngayon mo lang ito gagawin sa harap pa ng maraming tao with all the cameras, ang suwerte ko po kasi sobrang gentleman nila, parehong maalaga po sina Derek at Mr. Boyet si I’m just very lucky lang po ako,”saad ni Lovi.

Kanino mas nahirapang makipagniig si Lovi sa dalawang actor?

“Hindi naman po ako nahirapan, it’s just that magkaiba ‘yung atake ng love scene namin ni sir Boyet sa scene namin ni Derek because, isa sa kanila is with love at isa sa kanila is work na kinailangang gawin.

“Magkaibang epekto rin kasi with Derek, with so much love.  May scene kami roon ni sir Boyet na sobrang simple lang ng eksena, pero ang galing ng direktor (Enzo Williams) namin dahil from someone who’s very gentleman tapos magiging rough (love scene),” pagkukuwento ng dalaga.

Hubo’t hubad ba talaga si Lovi sa mga eksena at nailang siya sa mga tao sa set?

“Of course, nakaiilang talaga, but suwerte ako kasi we have to take care of camera angles, mayroon din naman po akong takip pero, siyempre may parts na ‘yung takip na lang naiwan,” pag-amin ng aktres.

Ayon pa kay Lovi, ”kahit po ginagawa ko naman ito (love scenes), ayoko namang magpakita ng (private parts).

“Mayroon akong skin-tone (damit),” pag-amin ng dalaga.

Sa susunod na pelikula ni Lovi ay kaya pa niyang higitan ang ginawa niya rito sa The Escort.

“I think, kaya pa, it’s not about the love scene kasi iba naman ang istorya nito. If I’ll be given a different kind of story, puwede pa po,” katwiran ng dalaga.

At inamin ni Lovi na bago nila gawin ang love scenes nila ay uminom muna sila.

“Nag-shot muna kami bago mag-eksena tapos namili kami ng song na puwede naming sabayan para may rhythm ‘yung love scene namin,”kuwento ng aktres.

Kaya ba nagawa ni Lovi ang maseselang eksena kina Derek at Boyet ay dahil loveless siya?

“With or without naman, I still be able to do it,” mabilis nitong sagot.

“I’m single now and I’m open to dating people,” napangiting sabi ni Lovi.

As of now ay okay na sila ng ex-boyfriend niyang si Rocco Nacino at it’s time to move on daw at natutuwa siya na may girlfriend na ang aktor samantalang siya naman ay into dating nga.

Ang lucky guy na nakaka-date ni Lovi ay ang French guy na si Chris Johnson na ayon sa aktres ay kaibigan lang niya at nagbakasyon lang daw dito sa Pilipinas.

Masasabi bang naimpluwensiyahan si Lovi ng mga kaibigan niya na puro foreigner ang napangasawa tulad nina Solenn Heussaff, Isabelle Daza, at iba pa.

“Hindi ako naimpluwensiyahan, it’s just happened na I met him (Chris) here for a vacation and ‘yun nga may effort na bumibiyahe talaga siya rito,” say ni Lovi.

Hindi rin daw naniniwala ang aktres sa ligawan, ”I don’t believe in courtship kasi, courtship is best foot forward hindi ako naniniwala sa ganoon. I believe in companionship na tipong you get to know the person even more. And the thing is, okay naman ako sa ganitong set-up, yes, we communicate pero malayo siya (Chris) sa akin and it’s a good thing for me kasi I don’t want to get into relationship right now, mas gusto kong sarili ko muna, trabaho ko muna.”

Anyway, mapapanood na ang The Escort sa Nobyembre 2 produced ngRegal Films mula sa direksiyon ni Enzo Williams at magkakaroon ng premiere night sa Oktubre 27.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *