Thursday , April 25 2024

Julie Anne, dream mag-Broadway: No reservations naman sa pagmamahal kay Benjamin

00 SHOWBIZ ms mSA kauna-unahang pagkakataon, magsasama sa isang concert sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose sa pamamagitan ng When Julie Ann Meets Christian sa Nobyembre 11, sa Kia Theater.

Ayon sa producer ng When Julie Meets Christian, ang Dreamstar Events Management, GMA Network, naiibang kombinasyon ang pagsasama ng dalawang produkto ng singing search.

“With this two, definitely it’s a rare opportunity na pagsamahin sila, because they are both Diamond awardee from their albums. With our expectations with this specific concert is mayroon po kaming specific na ginawa for this concert… we’re doing it in a theatrical way.

“It’s a love song from courtship, to sweet-sweetan to argument to reconciliation. So it’s a big treat for everyone,” sambit naman ng director ng kanilang konsiyerto, si direk Marvin Caldito.

Samantala, aminado si Julie Anne na dream din niyang mag-Broadway.

Anito, “Actually dati po, nag-try ako mag-audition sa ‘Miss Saigon’. Nakatanggap po ako ng call slip kaya lang po nagkasakit ako noon. Hindi ako nakapunta ng audition.

“Siguro sabi ni Lord, hindi ko pa panahon. Pero I’m really not shutting my door naman if ever na magkaroon ng opportunity na makapag-Broadway or to perform abroad. I think hindi naman po imposible ‘yun.”

Sa kabilang banda, mas open na ngayon ang pakikipagrelasyon ni Julie Anne kay Benjamin Alves, na kasama niya sa isang serye sa GMA 7. “We’re still there. We’re happy. Basta,” anito patungkol sa kanilang relasyon.

Aminado si Julie Anne na matagal na ang relasyon nila. “Matagal na talaga and medyo ngayon lang po nagkaroon ng opportunity (na maihayag at mapag-usapan). I think nasagot na namin ito before. So ayun, it started kasi noong May, sa concert ko roon nag-start lahat,” kuwento ng batang singer/aktres sa presscon ng kanilang concert ni Christian.

Sinabi pa ni Julie na hindi nila itinago ni Benjamin ang ukol sa kanilang relasyon. “We’re open naman po and we’re not hiding anything naman. It doesn’t mean na showy kami and stuff like that. Hindi po kami ganoon. May kanya-kanya rin po kaming reservations.

“Ako reserve ako ganoon din siya. Ganoon din po ang gusto ng family namin, ng parents ko, ng parents niya.

“I think mas okey po ‘yun kaysa alam mo ‘yung masyadong showy. Hindi naman po kasi kami ganoon… And as long as were not hiding naman.”

Sinabi pa ni Julie Anne na okey sa pamilya niya si Benjamin gayundin ang relasyon nila. Ipinakilala niya na rin ang binata bago pa man ito manligaw sa kanya. “Okey naman po siya, matiyaga po siya. He’s really patient.”

Nabanggit pa ni Julie Ann na si Benjamin ang unang lalaking nakilala ng pamilya niya na nagkaroon siya ng seryosong relasyon.

“I think siya po yung unang ipinakilala ko sa parents ko, mas gusto nila ‘yung ganoon sa bahay (nanliligaw). Mas okey, mas open din,” sambit pa ng dalaga na hindi naman naging mahigpit ang mga magulang nang malamang nanliligaw ang actor.

Katunayan, matagal na pala siyang pinayagang magpaligaw, siya lamang daw ang umayaw dahil, “Wala rin lang naman po akong oras, choice ko rin naman po na huwag muna before. May school pa ako, tapos focus sa work. Siguro right timing na rin, hindi naman nila ako pinagbabawalan.”

Iginiit pa ni Julie Anne na dahil sa pagiging understanding ni Benjamin,  napamahal ito sa kanya. “At parehas kami na bina-value ang family and marespeto po sa akin pati sa magulang ko.”

At nang itanong namin kung ano ang naging impresyon ng mga magulang ni Julie Anne kay Benjamin, sinabi nitong, “Wala naman po masyado. Noong ipinakilala ko siya noong nanliligaw siya, parang nag- uusap kami sinabi ko na agad sa parents ko kasi nga po ayokong magtago sa kanila. Mas importante na alam nila. At wala namang problema, he’s in the right age naman and matured.”

Sa pakikipag-usap naming kay Julie Anne, kitang-kita at damang-dama namin ang pagmamahal niya kay Benjamin. Kasi naman, kung ma-inlove pala si Julie Anne ay, “I think importante rin na hindi nawawala ang focus sa priorities. Masarap ma-inlove, nakaka-inspired din to do stuff na gustong gawin para lalong ganahan.

“Pero siyempre you have to give your hundred percent to that person. Kapag gustong mag-commit sa isang tao, siya lang. At importante na mag-commit ka sa taong mahal mo.”

At dahil sa raong ito ni Julie Anne, nasabi naming kung siya ‘yung taong walang reservation. “Siguro you can say that. Andoon din naman ang trust at respect.

Anyway, mabibili ang tickets para sa When Julie Anne Meets Christian sa Ticketnet.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *