Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 144 foreigner Hajj prilgrims huli sa NAIA (Gumamit ng PH passports)
144 foreigner Hajj prilgrims huli sa NAIA (Gumamit ng PH passports)

144 foreigner Hajj prilgrims huli sa NAIA (Gumamit ng PH passports)

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 144 dayuhan na nagpanggap na mga Filipino makaraan dumalo sa Pilgrimage sa Saudi Arabia.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nadiskobre sa ilalim ng Oplan Janus ng kawanihan ang modus ng mga dayuhan makaraan masabat ang 177 Indonesians noong Agosto nang magtangkang lumabas ng bansa at magpanggap na mga Filipino gamit ang genuine Philippine Passports.

READ MORE:  P19-M naabo sa PA armory

Sa datos ng BI, kabilang sa mga nasabat ang 122 pawang Indonesians at 22 Malaysians.

READ MORE:  Killer ng misis ni Papa Dom arestado

Hawak din ng mga awtoridad ang 12 Indonesian Sheikhs na kasama ng mga dayuhang pilgrims sa pagtungo nila sa bansa para isailalim sa imbestigasyon.

Aalamanin ng mga awtoridad kung may kinalaman sila sa modus o raket ng mga dayuhan.

READ MORE:  32 pulis-NCR ipinatapon sa Mindanao (Sangkot sa droga)

Nadiskobreng may mga sindikatong nagbebenta ng Philippine passports sa mga interesadong dayuhan sa napakataas na halaga para makasama sa Pilgrimage sa Mecca gamit ang Haj Quota na inireserba ng Saudi government para sa mga Filipino.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved