Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pulis sugatan 3 tulak utas sa shootout

Pulis sugatan 3 tulak utas sa shootout

DALAWANG hinihinalang drug pusher na kumikilos sa likurang bahagi ng Quezon City Police District (QCPD) General Headquarters sa Camp Gen. Tomas Karingal, ang napatay nang lumaban sa buy-bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw.

READ MORE:  18 patay, 16 sugatan sa ‘lumipad’ na bus sa Skyway (Close van nadaganan)

Sa inisyal na ulat ni Supt. Rogarth Campo, QCPD District Special Operation Unit (DSOU), kinilala ang isa sa dalawang napatay sa alyas na LA, kapwa residente ng Brgy. Botocan, Quezon City.

Ayon kay Campo, dakong 2:00 am nang ikasa ang buy-bust operation sa mga suspek sa likurang bahagi ng Kampo Karingal ngunit nakipagpalitan ng putoks sa mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

READ MORE:  15-anyos OSY hinalay ng kapitbahay

Samantala, dakong 7:30 pm kamakalawa, napatay sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Novaliches Police Station 4 si Rommel Habang alyas Ogag sa Urbano St., Brgy. Bagbag, Novaliches, habang sugatan sa insidente si PO1 John Ang.

READ MORE:  Tactical alliance kay Erap, Poe puwede — Ka Satur

( ALMAR DANGUILAN )

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved