Friday , April 19 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Batas kontra pang-aabuso sa senior citizens isinusulong ni Angara

GUSTO nating pasalamatan si Senator Sonny Angara sa kanyang isinusulong na batas para sa proteksiyon ng matatanda (senior citizens).

Ayon sa batang senador, “MALAKING karangalan para sa atin na arugain ang mga nakatatanda tulad ng kung paano natin aarugain ang mga bata. Sa kanilang kalakasan, sila’y namuhay nang may dignidad at kabuluhan.”

Naniniwala ang inyong lingkod diyan. Magpasalamat tayo kapag nabigyan tayo ng pagkakataon na maglingkod o mag-alaga sa ating mga magulang.

Kaya naman bilang pagkilala sa karapatang pantao at sa kapakanan ng mga nakatatanda, isinusulong ngayon ng Senador ang isang panukalang batas na naglalayong pangalagaan ang ating senior citizens laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Aniya, “Kilala ang mga Filipino sa tradisyong paggalang sa matatanda, kaya’t nakalulungkot na dumarami ang mga insidente ng pang-aabuso sa kanila.”

Sa kanyang panukalang batas, ang Senate Bill 1012 o ang Anti-Senior Citizen Abuse Act of 2016, nakasaad na papatawan ng mabigat na parusa ang sinumang mapapatunayang nang-aabuso sa mga nakatatanda. Kabilang sa mga uri ng abuso ang mga sumusunod:

1) Pisikal na pananakit tulad ng pananampal, panghahampas, pambubugbog, malakas na panunulak, pangangaladkad, paninipa, pangungurot, pamamaso, pagpapainom ng ‘di nararapat o nauukol na gamot, sapilitang pagpapakain, at iba pang uri ng pisikal na pagpapahirap;

2) Pang-aabusong sekswal tulad ng rape, panghihipo, sodomya (sodomy), sapilitang pagpapahubad ng kanyang mga kasuotan, pagkuha ng kanyang larawan sa malalaswang paraan at paghawak sa maseselang bahagi ng kanyang katawan;

3) Psychological abuse tulad ng pang-iinsulto sa kanyang pagkatao, panghihiya, pagmumura, pagtatawa, pangmamaliit at ang paghihiwalay sa kanya mula sa mga kasamahan;

4) Economic abuse tulad ng pagpapabaya sa kanyang mga pangangailangang pinansiyal, pagwawaldas sa kanyang sariling pera o ang pakikialam sa kanyang mga ari-arian nang walang pahintulot, pagpapapalit sa kanyang tseke nang walang awtorisasyon, pamemeke sa kanyang lagda, sapilitang pagpapapirma sa kanya ng ilang dokumento at ang maling paggamit ng conservatorship, guardianship at power of attorney;

5) Neglect tulad ng tuluyang pagpapabaya sa isang senior citizen na hindi na pinakakain, hindi na binibigyan ng kanyang mga bitamina at gamot at pagbabalewala sa kanyang kaligtasan.

Ang sinumang mapapatunayang umabuso sa isang nakatatanda sa pamamagitan ng pambubugbog at panghahalay liban sa kasong rape o panggagahasa, at psychological abuse ay may kaukulang parusa na prision mayor o pagkabilanggo nang mula anim hanggang 12 taon.

Ang mapapatunayan namang nagkasala ng Economic abuse ay may karampatang parusa na prision correccional o pagkabilanggo nang mula isa (1) hanggang anim (6) na buwan.

“Tungkulin nating pangalagaan ang sektor ng mga nakatatanda at kabilang sa mga tungkuling ito ang pagkakaloob sa kanila ng nauukol na proteksyon. Ang mga usaping may kinalaman sa mahigit anim (6) na milyon nating senior citizens ay hindi dapat ipagwalang bahala sapagkat may kinalaman ang bawat isa sa atin sa kani-kanilang situwasyon,” ani Angara na isa sa mga awtor ng Expanded Senior Citizens Act.

Base sa isang pag-aaral ng University of the Philippines lumalabas na ang mga pangunahing personalidad na nangunguna sa pagmamaltrato sa mga nakatatanda ay mismong kanilang mga anak, asawa, at mga apo.

Kadalasan, ayon sa ulat, nangyayari ang mga pang-aabuso kung ang anak o mga anak ng isang senior citizen ay lango sa ipinagbabawal na gamot.

Dahil dito, iniaatas ng panukalang batas ni Angara ang pagtatatag ng isang senior citizens help desk upang magbigay ng agarang tulong sa senior citizens na biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Nilalayon pa rin ng panukala ng senador ang pagkakaloob ng pansamantalang tirahan sa mga biktima, gayundin ang libreng counselling, psycho-social services and recovery, rehabilitation programs, at mga tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.

Supotahan po natin ang panukalang batas na ito ni Senador Angara!

ANG MPD PULIS-KOTONG
NA SI ALYAS BOY BAKAL!

070316 MPD

Marami ang nagtatanong kung ano ba talaga ang papel ng isang MPD police na nakapuwesto riyan sa Divisoria.

Mukhang hindi yata alam ni alyas Tata Songkot y Boy Bakal ang pinasok niyang trabaho?!

Pulis ba o mangongotong!?

Malupit sa pangongolektong sa pobreng vendors kaya binansagan siyang Boy Bakal.

Isang certified Ninja cop rin si Boy Bakal bago maging mangongotong sa mga vendors.

Nag-lie low lang nang inumpisahang tugisin ni CPNP Gen. Bato Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Ang matinding reklamo ng mga vendor, hahakutin ang paninda at bakal nila at pagkatapos ay ipatutubos sa halagang P4,000 kada bakal.

Mahal raw kasi ang halaga ng bakal ng mga vendor na kung hindi matubos ay ibinebenta sa mga junk shop!

Sonabagan!!!

MPD district director, S/Supt. Jigz Coronel, huwag naman sobrang bait sa mga ganitong klaseng pulis!

Please lang po!

BASAHIN SI PDU30

090616 duterte

Dear Sir:

Maigi pa si Peter Wallace, U.S. Economic Analyst, magaling siyang magbasa sa meaning ng bawat  message ni Pangulong Duterte. Marunong siyang mag-analyze in reading between the lines.  Hindi siya katulad ng kanyang mga kababayan lalo na ang mga banyagang reporters na katakot-takot ang paghuhusga kay Digong.

Sabi nga niya,  ang “foreign media is taking Duterte’s statement literally instead of interpreting them.  The speaking may not be politically, internationally acceptable, there is a need for people to understand and accept what he is.”

See, mabuti pa siya malawak ang kanyang pang-unawa sa ating Pangulo.

Kaya lang naman nagkakaganoon ang Pangulo dahil nais niyang bigyan ng konting respeto ang bansang Filipinas.

Nais niyang pantay-pantay. Hindi lang bow nang bow sa Amerika katulad ng ibang naging presidente.   Hindi ba pumalag din si dating Pangulong Marcos noon kaya nagkaroon ng planong pabagsakin siya.

Ayun nagtagumpay ang balak nila.

Ngayon,  may niluluto na namang planong patalsikin si Pangulong Duterte katulad ng ginawa nila kay Marcos.

Payag ba kayo mga kababayan ko???

Kaya laging magmasid at makialam sa pamamalakad ng gobyerno dahil lahat tayo ay apektado nito.

BRYAN A. VICTORIO
Murphy, Quezon
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *