Thursday , April 25 2024

2 patay, 1 sugatan sa SM Dasma hostage drama

101016_front

DALAWA ang patay at isa ang sugatan sa nangyaring hostage incident sa loob ng SM mall sa Dasmariñas, Cavite nitong Linggo.

Kinilala ni dating Cavite governor Jonvic Remulla ang hostage taker na si Carlos Marcos Lacdao, 32, tubong lalawigan ng Leyte.

Ayon kay Remulla, nakapuslit si Lacdao sa mall dala ang 12-inch kutsilyo at kanyang ini-hostage ang 12 katao sa loob ng isang CR sa ground floor ng mall dakong 11:00 am.

Hinahanap ni Lacdao ang kanyang misis at sinasabing “lover” ng ginang.

Sa salaysay ni Remulla, naka-shades, naka-backpack at balisang-balisa si Lacdao habang nagmumura, sumisigaw at hinahanap ang “lover” ng kanyang misis.

Dagdag ni Remulla, nagtatrabaho ang asawa ni Lacdao sa naturang mall bilang janitress.

Ngunit inilinaw niyang hindi kabilang sa mga na-hostage ng suspek ang kanyang misis.

Unang nakatakas na walang sugat ang siyam sa mga hostage habang nagpapatuloy ang insidente.

Ngunit dalawang hostage ang sinaksak ng suspek, ang isa sa kanila ay namatay dahil sa saksak malapit sa kili-kili.

Aniya, natapos ang insidente dakong 2:55 pm nang magdesisyon ang mga pulis na barilin na si Lacdao na tinamaan ng bala sa ulo at leeg.

Binaril ng mga pulis si Lacdao nang tutukan ng kutsilyo ang isa sa mga babaeng hostage na kinilalang si Mylene Balajadia na masuwerteng nakaligtas.

Samantala, sinabi ni Cora Guidote, SM senior vice-president for investor relations, nagsimula ang insidente bilang “domestic problem” na dinala lamang sa mall.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *