Thursday , April 25 2024
road traffic accident

1 patay, 1 sugatan sa trike vs van

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang lalaki habang malubha ang kalagayan sa pagamutan ng kanyang misis makaraan araruhin ng isang van ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa ng umaga sa MacArthur Highway, Brgy. Capalangan, bayan ng Apalit.

Base sa ulat ni Supt. Wilson M. Alicuman, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police Regional Office-3 director, agad binawian ng buhay sa insidente si Allan de Jesus y Guintu, 37, habang isinugod sa Lim Hospital ang misis niyang si Hazel de Jesus y Biernes.

Sa  pagsisiyasat ni PO1 Artem Tamsi, dakong 6:10 am habang lulan ng tricycle ang mag-asawa nang bigla silang salpukin ng Isuzu aluminum van (WAO-835) na minamaneho ni Jessel dela Cruz, 34, ng Malabon City.

( LEONY AREVALO )

About Leony Arevalo

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *