Wednesday , April 24 2024

Listahan ng parokyano ni Krista Miller hawak na ng PNP

HAWAK na ng Quezon City Police District (QCPD) ang listahan ng mga parokyano ng model at aktres na si Krista Miller sa negosyo ng ilegal na droga.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Senior Supt. Guillermo Eleazar, nagbigay na ng mga pangalan si Miller na kanyang benebentahan ng droga.

Sinabi ni Eleazar, sama-sama na aniya sa listahan ang mga ordinaryong sibilyan at ang mga artistang bumibili ng droga kay Miller.

Pagbibigay-diin ni Eleazar, susuriin muna nila nang maigi ang mga pangalang binanggit ni Miller bago maging target sa police operations.

Sa ngayon, humahaba ang kanilang drug watchlist dahil sa mga ikinakanta ng mga nahuhuli nilang drug personalities.

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *