Thursday , April 25 2024
charon santos

Charo Santos, open gumawa ng kilig movie

SA nakaraang presscon ng Ang Babaeng Humayo mula sa Cine Olivia at Cinema One Originals na ipamamahagi ng Star Cinema na mapapanood na sa Setyembre 28 ay inamin ng bida ng pelikula na si Ms. Charo Santos-Concio na kahit hindi siya nanalong Best Actress sa nakaraang 73rd Venice Film Festival ay okay lang dahil noong tinanggap daw niya ang pelikula ay wala siyang expectations.

“That has never been foremost in my mind. I mean, simula nang mag-artista ako, hindi naman ako gumagawa ng pelikula para manalo. Gumagawa ka ng pelikula because of your passion for the craft dahil gusto ko.

“’Yung pagkakapanalo (parang bonus na ‘yun, eh. Like nag-usap kami ni direk Lav (Diaz) noong March, gumawa kami ng pelikula noong Mayo, hindi naman namin inisip na mapipili siya sa Venice Film Festival at lalong hindi namin inisip na mabibigyan siya ng Best Film, Golden Lion award.

”So, that has never been my motivation. If it’s there, it’s an affirmation of the hard work that you’ve done. Pero hindi dapat ‘yun ang tinitingnan.”

Samantala, kasama pala si John Lloyd Cruz sa pelikula na hindi man lang nabanggit dati sa mga release at nalaman lang noong naglakad sila ni ma’am Charo sa red carpet ng 73rd Venice Film Festival.

Ang paliwanag ng dating top executive ng Kapamilya Network, “that was really part of the plan. Pinakiusapan talaga kami ni direk Lav not talk about John Lloyd’s role in the movie kasi we didn’t want to preempt nga the premier screening of the film. Kasi, naiiba talaga ‘yung ginampanan niya. Now the cat is out of the bag, he’s really great in this movie.”

At dahil unang beses nagsama sa isang proyekto sina ma’am Charo at Lloydie ay ibinuko ng una ang working attitude ng aktor ‘pag nasa set.

“Naku, talagang ano, si John Lloyd, seryosong-seryoso sa craft niya. Hindi mo makausap kahit na lunch break. He’s in character. The moment that he’s done for his make-up, in character na siya. Hindi mo na siya makakausap bilang John Lloyd.

“He was in character all the way up to the last shooting day. Basta naka-make-up na siya, in character na siya. Tapos magbabalik lang siya sa pagiging John Lloyd kapag nakaligo na siya, nagpalit na siya into regular clothes. Doon mo lang siya makakausap na John Lloyd.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *