Wednesday , April 24 2024
the who

Utol ni Mayor drug lord sa Cagayan?

WHO ang utol ng isang Alkalde sa lalawigan ng Cagayan na hindi marunong matakot sa kampanya nina Tatay Digong at PNP chief Ronald “Bato”Dela Rosa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw tumitigil sa kanyang drug operations.

Ayon sa ating Hunyango dati raw ka-sing opisyal ng PNP ang kanyang utol bago naging Mayor ng nasabing probinsiya kung kaya’t ang lakas ng loob niyang magpatuloy sa kanyang kademonyohan.

Bumaliko na at umabot hanggang lupa!

Wahahahahahahaha!

Sa totoo lang daw, ang laki na ng haybol nitong si utol na itago na lang natin sa pangalang “Dodong Shabu”or in short DS at mayroon nang magagarang sasakyan.

Hanep Bigtime si Kumag!

Timbre sa atin, hindi lang sa naturang lalawigan ang kaharian ni DS. Umabot na raw ang kamandag nito hanggang Southern Luzon.

What the…

Lagi raw iniyayabang na hindi siya ka-yang gibain dahil pader ang  kanyang sinasandalan kung kaya’t mahirap siyang maibuwal.

Meganon?! Wait mo lang ‘pag nakapa ka ng ating Pangulo at ni Chief Bato tingnan lang kung pader nga ‘yang sinasandalan mo. Kung ‘yong mga Heneral nga ‘di sinanto ‘e ikaw pa kaya?

Hindi lang daw iyon, dahil may extension pa ang pagiging drug lord nito kasi pati illegal gambling pinasok na rin niya.

O ‘di ba, ang tindi?!

Sumbong kita kay Pikachu e!

Har har har har har!

Sabi nga ng kaibigan nating opisyal, magkakabit daw talaga iyang droga at gambling kaya kung gusto mo raw talaga makahuli ng big fish tambay ka sa mga casino.

Ngak! Hohohohoho!

Bagama’t maraming dating pulis na naging mayor sa Cagayan, pero sa sumbong ng Hunyango natin hetong si DS daw ang bukod tanging luminya umano sa droga.

Hak hak hak hak hak!

Talaga lang ha!

Kilalanin kung sino siya!

THE WHO? SCANDAL – ni Jethro Sinocruz

About Jethro Sinocruz

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *