Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5 Pinoy tiklo sa nakaw na diamonds (Sa Thailand airport)

5 Pinoy tiklo sa nakaw na diamonds (Sa Thailand airport)

091716_front

NAARESTO ang limang Filipino sa Thailand bago sila makasakay sa kanilang flight sa Don Mueang airport makaraan madiskobre ng mga pulis ang nakaw na diamond necklace sa kanilang bagahe, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa ulat ng Bangkok Post, ang mga Filipino ay pinaniniwalaang mga miyembro ng gang na nagnakaw sa kuwintas na nagkakahalaga ng THB300,000 (more than P400,000) sa Bangkok Gems and Jewellery Fair sa Muang Thong Thani, Nonthaburi.

READ MORE:  Buang sa shabu delikado — Palasyo (QRF ng DoH gagastusin sa mental health)

Agad kinontak ni Poramin Thaharian, may-ari ng booth na ninakawan ng kuwintas, ang pulisya makaraan matuklasan na nawawala ang nasabing alahas sa display cabinet dakong 6:00 pm noong Setyembre 7, ayon sa ulat ng Asia One.

Nakita sa CCTV footage sina Ebueza Christian Carpio, 27, at Canoy Adoracion Carpio, 58, na kinuha ang kuwintas mula sa booth dakong 2:00 pm habang hindi nakatingin si Thaharan.

READ MORE:  Gunrunner na tulak bulagta sa pulis

Mabilis na dinala ng pulisya ang footage sa mga opisyal ng Suvarnabhumi and Don Mueang airport upang maharang ang mga suspek bago makasakay sa kanilang flight patungong Phuket, at sasakay ng connecting flight patungo sa Manila, ayon sa ulat ng Phuket News.

READ MORE:  Lider ng Akyat-bahay 2 pa todas sa Pampanga

Ang iba pang mga Filipino na inaresto ay sina Bien Nonoy Mulobuko, 27; Chapoco Florenz Velarde, 65; at Sofia Mallari, 56.

Dumating sila sa Thailand noon Setyembre 5 at naka-book pabalik sa Manila sa Setyembre 12.

HATAW News Team

COMMENTS

About Hataw News Team

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved