Saturday , April 20 2024
dead gun police

Tserman ng Maynila pinatay sa Rizal

NATAGPUANG walang buhay at tadtad ng tama ng bala sa katawan kamakalawa ng madaling-araw sa San Meteo, Rizal ang isang barangay chairman sa Paco, Maynila.

Sa ulat ng San Mateo PNP, kinilala ang biktimang si Reynaldo Jacaban y Joaquin, barangay chairman at residente sa Barangay 736 Zone-80, Paco, Maynila.

Habang ang hinihinalang suspek sa pagpatay ay si Celso Mendoza y Ramos ng Blk. 7, Lot 3, Saint Francis St., Addas Village, Cavite, bunsod nang natagpuang ID sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Rene Louie San Diego, dakong 1:00 am nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng isang sasakyan na nakaparada sa Abuab St., Brgy. Guitnang Bayan 2 ng bayan ng San Mateo.

Blanko pa ang mga awtoridad sa posibleng motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.

( ED MORENO )

About Ed Moreno

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *