Saturday , April 20 2024

Kaklase itinalaga ni Duterte sa JBC

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong miyembro ng Judicial and Bar Council ang kaklase niya na nagbasura sa mga kaso ng anak ni dating Communist Party of the Philippines (CPP) Gregorio “Ka Roger” Rosal.

Sa transmittal letter ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ipinaalam ang nominasyon ng Pangulo kay retired Pasig Regional Trial Court Judge Toribio Elises Ilao Jr.

Si  Ilao ay kaklase ng Pangulo sa San Beda College of Law at sinasabing boxing buddy ng Pangulo sa kolehiyo.

Naging pamoso si Ilao nang hindi payagan si Andrea Rosal, anak ni Ka Roger, na ihatid sa huling hantungan ang kanyang bagong silang na anak na namatay nang ipanganak nang premature sa Philippine General Hospital noong Mayo 2014.

Gayonman, pinayagan niyang makapunta si Andrea ng tatlong oras sa burol ng kanyang baby ngunit mahigpit ang pagbabantay sa anak ni Ka Roger na noo’y political detainee at nahaharap sa kasong kidnapping at murder.

Uupo si Ilao sa JBC hanggang Hulyo 9, 2020 at kailangan ang kompirmasyon mula sa makapangyarihang Commission on Appointments  (CA).

Pinalitan ni Ilao sa puwesto si retired Court of Appeals Justice Santiago Lagman na bumaba sa puwesto noong Hulyo 9 bilang kinatawan ng pribadong sektor sa JBC.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *