Friday , April 19 2024

Hi-end condos, subdivisions next target ng Tokhang

PLANO ng Southern Police District na isunod ang pagpapatupad ng “Oplan Tokhang” sa high-end condominium residences partikular sa Makati at Taguig City pagkatapos ang pagkatok sa mga bahay sa first class subdivision.

Inihayag kahapon ni SPD Director Senior Supt. Tomas Apolinario Jr., sinimulan na nilang makipag-ugnayan upang bumisita sa mga condominium building para sa Phase 2 ng anti-illegal drug operations na inum-pisahan ngayong Setyembre.

Dagdag niya, naka-tuon ito sa pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng flyers sa mga piling bahay kahit hindi kabilang sa drug watch list ng pulisya, nanana-wagang i-report  ang makikitang kahina-hinalang aktibididad ng grupo o indibidwal.

“On the Phase 1, we knocked on the doors of drug personalities. Now, we only disseminate information to as many residents as possible. We knock and we inform them about the anti-illegal drug program of the government,”sabi ni Apolinario sa side interview sa idinaos na ika-50 anibersaryo ng National Police Commission (Napolcom) sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Umabot sa kabuuang 15,500 bahay ang nakatok sa nasabing operasyon; 10,800 drug user/pusher ang sumuko; 44 suspek na sangkot sa illegal na droga ang napatay sa enkwentro; 1,200 ang naarestong tulak at gu-magamit ng droga.

Sinabi ni SPD director, kinatok din ng mga pulis ang bahay ng ambassador ng India at Oman at ni Chairman Jose Concepcion sa Forbes Park sa lungsod ng Makati noong Lunes.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *