Thursday , April 25 2024

Atak Arana, happy sa pagkakasali sa Enteng Kabisote 10

LABIS ang kasiyahan ng komedyanteng si Atak Araña nang maging bahagi siya ng pelikulang pinagbibidahan ni Bossing Vic Sotto, ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers. Nakatakdang isali ang naturang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival this year.

Ayon kay Atak, isa si Bossing Vic sa mga komedyanteng hinahangaan niya.

“Opo naman Kuya, Vic Sotto yata iyan. Kumbaga, isa nang institusyon si Bossing Vic,” saad sa amin ni Atak.

Sinabi rin ni Atak na natupad ang pangarap niyang makasama sa pelikula si Vic sa pamamagitan ng naturang proyekto.

“Thank you Lord God, natupad ko ang pangarap ko na maging bahagi po ako ng Enteng Kabisote and the Abangers! Bosing Vic Sotto maraming salamat po! Ang bait mo at nadama ko ang pag-welcome mo po sa akin. Sa aming dalawang directors, ang saya-saya ko na makasama ko po kayo!”

Madalas din na i-promote ni Atak sa kanyang Facebook ang pelikula nila. “Guys, Abangan nyo po ang ENTENG KABISOTE 10 sa MMFF! Directed by Direk Marlon Rivera and Direk Tony Reyes.”

“At the moment, patindi nang patindi ang scene namin sa Enteng Kabisote 10! First time ako sumabak sa action.”

Bukod sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers, ang iba pang movie projects ni Atak ay ang The Escort ng Regal Films na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Christopher de Leon, Lovi Poe, Albie Casiño, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Enzo Williams. Ang papel niya rito ay best fiend ni Lovi. Ang isa pang pelikula ng komedyante ay ang Working Beks ni Direk Chris Martinez na pinagbibidahan nina John Lapus at Joey Paras.

Bukod sa pelikula, regular na napapanood din si Atak sa Sunday PINASaya ng GMA-7 at may concert siyang pinamagatang ATAK-Another Totally Amazing Konsert sa October 14 sa Music Museum. Guest niya rito ang buong Hashtags, Boobay, D’ Divas at may special suprise guests pa.

Naibalita rin sa amin ni Atak na magkakaroon na siya ng kauna-unahan niyang single. “Opo kuya, may single na ako. Soon kuya, magkakaroon din ng album.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *