Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Panaginip mo, Interpret ko: Masasamang panaginip (3)
Panaginip mo, Interpret ko: Masasamang  panaginip (3)

Panaginip mo, Interpret ko: Masasamang panaginip (3)

 

Ang panaginip ukol sa kabaong ay simbolo ng womb. Ito ay may kaugnayan din sa iyong thoughts and fears of death. Kung walang laman ito, ito ay maaaring may kaugnayan sa irreconcilable differences. Alternatively, ito ay maaaring nagre-represent ng ideas and habits that you are no longer of use and can be buried. Maaaring simbolo rin ito ng ilang mga bagay o ng decaying situations na dapat mong harapin.

READ MORE:  Kumusta Ka Ligaya (Ika-29 labas)

Hinggil naman sa pusa, ito ay sagisag ng independent spirit, feminine sexuality, creativity, at power. Subalit ito ay nagre-represent din naman ng misfortune at bad luck. Ang simbolo ng ganitong bungang-tulog ay may kakaibang kahalagahan depende kung ikaw ay isang cat lover o hindi. Ang pusa ay maaaring nagpapahayag din na mayroong deceitful o treacherous na balak sa iyo ang iba. Ito ay maaaring nagsasaad din na ikaw ay nagkakaroon ng suliranin sa iyong feminine aspect. Ang itim na pusa ay nagpapakita na ikaw ay nakararanas ng ilang takot at pangamba sa paggamit mo ng iyong psychic abilities at sa paniniwala sa iyong intuition. Posibleng ikaw ay magkamali rin na i-associate ang itim na pusa sa evil, destruction, at bad luck. Sa particular na kaso ng nakita mo sa iyong panaginip, makabubuting kilalanin kung ano ang sinasabi ng iyong intuition. Ito ay mahirap mo nang balewalain subalit hindi ka dapat matakot na harapin ito. Higit sa epekto ng paniniwala ukol sa mga malas na bagay o simbolo, mas manalig sa kabutihan sa ating kapaligiran at sa kapangyarihan ng Diyos. (Itutuloy)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved