Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Paano nakakuha ng Filipino passports ang halos 100 Indonesians?
Paano nakakuha  ng Filipino passports ang halos 100 Indonesians?

Paano nakakuha ng Filipino passports ang halos 100 Indonesians?

PINAUWI na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mahigit 100 Indonesians na nabistong may hawak na Filipino passports.

Isang malaking kalokohan nga naman kung ikukulong pa ‘yang mga Indonesian.

Pakakainin pa, makagugulo sa loob ng Immigration Bicutan detention cell at higit sa lahat problema pa sa seguridad.

Pero ang malaking isyu at kuwestiyon dito, paano nabigyan ng DFA ng Filipino passport ‘yang mahigit 100 Indonesians na ‘yan?

Mahigit 100 lang ‘yan.

Hindi kaya may nauna pang libo-libong foreigner ang nabigyan ng Filipino passport?

Pansinin ninyo ang ilang mga pasahero sa airport na mga Chinese, Bombay at Koreano, ang hawak ay Filipino passport…

Wattafak!?

Pero kapag kinausap ay hirap na hirap magsalita ng Tagalog o Filipino.

Aminin man o hindi ng mga ahensiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa migrasyon ng mga dayuhan sa ating bansa, matagal na nilang naririnig ‘yan at malamang mayroon pa silang naaktohan.

‘Yun lang, dahil sa sanga-sangang korupsiyon na nagdugtong-dugtong sa bulsa at sikmura ng mga magkakasangkot sa ‘raket’ ‘e kanya-kanya na silang takipan.

Ito ngayon ang malaking hamon kay DFA Secretary Perfecto Yasay.

Kailangan niyang sudsurin at tutukan ang Consular Office para malaman niya kung paano nakalusot ang ganyang raket na Filipino passport for sale!

Kaya mo rin kayang i-Duterte ‘yan, Secretary Yasay?!

Patunayan mo nga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Parañaque at Pasay cities puwede naman sigurong magdeklarang holiday ngayon

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved