Friday , April 26 2024

Tulak pumalag sa parak tigbak

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan lumaban sa buy-bust operation sa Balanga City, Bataan kamakalawa.

Agad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo ang suspek na si Bryan Castañares, alyas Ryan, residente ng Limay, Bataan, sinasabing kabilang sa drug watchlist sa “Operation Double Barrel” ng pulisya.

Ayon sa report ng Bataan Provincial Police office bandang 1:00 am nang maganap ang insidente sa Batong-bakal St., Brgy. Camacho sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman, sa nasabing operasyon, pumalag ang suspek at bumunot ng baril kaya inunahan na ng putok ng mga pulis.

( RAUL SUSCANO )

About Raul Suscano

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *