Saturday , April 20 2024

Kawani ng DENR patay sa motorbike

CAUAYAN CITY, Isabela – Binawian ng buhay ang isang kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) makaraan masangkot sa aksidente sa lansangan kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Brgy. Busilac, Alfonso Lista, Ifugao.

Ang biktima ay si Jefferson Macadangdang, 26 anyos, residente ng nasabing lalawigan.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng Alfonso Lista Police Station, sakay ng motorsiklo at habang binabagtas ng biktima ang lansangan sa kahabaan ng Sitio Kamanggaan, Brgy. Busilac, nang bumangga siya sa poste sa gilid ng lansangan.

Ang biktima ay nagkaroon nang malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Bagama’t naisugod sa pagamutan, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng attending physician.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *