Thursday , April 25 2024
dead gun

Aareglo sa GF na arestado sa droga, utas sa entrapment

HINDI na umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang lalaking nagtangkang ‘tumubos’  sa kanyang girlfriend na inaresto dahil sa illegal na droga, makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang entrapment operation kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay QCPD director, S/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula kay Supt. Rogarth Campo, District Special Operation Unit (DSOU) chief, kinilala ang napatay na si Renan Roque alyas Ren, ng L and E Subdivision, Brgy. 3, Poblacion, Calamba, Laguna.

Ayon kay Campo, dakong 1:35 am nang maganap ang insidente sa kanto ng Kamias Road at Kalayaan Avenue, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Nauna rito, naaresto ng tropa ng DSOU at District Anti-Illegal Drug si Mary Ann Go, girlfriend ni Roque, nitong Agosto 6, 2016 sa drug buy-bust operation sa Narran St. kanto ng Almon St., Bgry. Claro ng nasabi rin lungsod.

Habang nakatakas si Roque at isa pang kasama sakay ng Hyundai Tucson.

Para makalaya si Go, nag-alok ng P50,000 si Roque sa tropa ng DSOU sa pamamagitan ng isang middleman para ibaba sa paglabag sa Sec. 11 ng  R.A. 9165 na bailable, ang kasong isasampa kay Go.

Sa pamamagitan ng police asset, isang entrapment operation ang ikinasa laban kay Roque para sa panunuhol.

Sinabi ni Campo, pagdating sa pinag-usapang lugar sa kanto ng Kamias Road at Kalayaan Avenue, nakipagkita si Roque sa middleman at nang makaramdam na aarestohin siya nang matanaw ang nakahimpil na mobile car at papalapit na mga pulis sa kanya, bumunot ng baril ang suspek saka pinaputukan ang mga pulis.

Dahil dito, napilitang gumanti ang tropa ng DSOU at pinaputukan si Roque. Isinugod siya sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *