Thursday , April 25 2024

Barbie, in-unfollow ni Andre dahil kay Kiko

NAGULAT si Barbie Forteza nang malaman niyang in-unfollow siya sa Twitter ng ka-loveteam niyang si Andre Paras.

Clueless daw siya kung bakit ginawa ‘yun ni Andre. Ang pagkakaalam naman daw niya ay okey silang dalawa. Isa pa nga raw si Andre sa naging special guests niya noong i-celebrate niya ang birthday sa show nilang Sunday Pinasaya.

At nagkasama pa raw sila sa taping ng isang gag show.

Noong una raw na nalaman niya thru their fans, na tinanong siya ng mga ito kung bakit hindi na siya pina-follow ni Andre sa Twitter ay hindi raw siya naniwala.

Hanggang tsinek nga raw niya ang kanyang Twitter account at nalaman niya hindi na nga siya pina-follow ng binata ni Benjie Paras.

Gayunman, kahit hindi na siya pina-follow ni Andre ay wala raw balak si Barbie na i-unfollow din ang Twitter account nito.

May balitang boyfriend na ni Barbie si Kiko Estrada. Hindi kaya ito ang dahilan? Baka naman noon pa may pagtingin si Andre kay Barbie at nasaktan siya nang malaman na may minamahal na ang ka-loveteam.

MA at PA – Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *