Thursday , April 25 2024

Barcelona: A Love Untold ng Kathniel patok ang official teaser at trending

SOBRANG lakas ng feedback ng bagong movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Star Cinema na “Barcelona: A Love Untold.”

Nang ilabas kamakailan ang official teaser nito sa website page ng Star Cinema as of August 3 still counting ay humamig na agad ng 1,637,115 views na ngayon ay nasa 2M views na.

Noong Martes naman ay mabilis na nag-trending ang nasabing teaser sa Twitter na nagtala ng 1.01 tweets. Maging ang inyong columnist ay gandang-ganda sa movie na majority ng scenes nina Daniel na gumaganap na Ely at Kathryn (Mia) ay kinuhaan sa Barcelona, Spain ng kanilang director na si Inang Olive Lamasan.

‘Yung story ng A Love Untold ay kakaiba sa past movies ng KathNiel at parehong serious actors dito ang sikat na loveteam lalo na doon sa eksena ng dalawa sa train na ipinakitang hinahabol ni Daniel si Kathryn at nagtama ang kanilang mga mata ay makikita agad ang difference ng character nila sa dati nilang mga pelikula. At siguradong mapapahanga rin ang moviegoers sa ganda ng Barcelona na ipinakita sa movie ang ilang famous tourist spot rito.

Dalawa sa co-stars ng KathNiel ay sina Aiko Melendez at Joshua Garcia at soon ay mapapanood na sa cinemas nationwide.

No doubt na blockbuster ito gyud!

Finale episode ng Candy’s Crushng Tambalang Jerome at Eloisa

sa WANSAPANATAYM PRESENTS happy ending nga ba?

Mamayang gabi pagkatapos ng Goin’ Bulilit ay atin nang matutunghayan ang finale episode ng top rating na featured story sa WANSAPANATAYM Presents: Candy’s Crush ng tambalang Jerome Ponce at Loisa Andalio.

Exciting ang mga tagpong mapapanood lalo sa mga kahaharaping pagsubok sa gubat nina Paolo Angara (Jerome Ponce) at Candy Balane portrayed by Loisa na nahulog pa sa kumunoy para maibalik ang kaguwapohan ni Paolo.

Magugunitang dahil sa sumpa ng matandang (Ruby Ruiz) eksperto sa mga gayuma ay naging pangit ang anyo ng lalaki na ginampanan ni Igi Boy Flores.

Magtagumpay kaya ang binata at si Candy na mapitas ang Bulaklak ng Cadena de Amor na nakasulat sa Love Spell Book na bigay ng matanda kay Candy?

Sa pamamagitan nito manunumbalik na ang pagiging hearthtrob ni Paolo at makakasama niyang muli ang kanyang pamilya at si Candy na matagal nang napupusuan.

Happy ending nga ba ang mangyayari kina Paolo at Candy sa huling episode nila mamaya sa Candy’s Crush?

Let’s find out, gyud!

BAGONG SEGMENT NG EB NA “MUSIC HERO” LABANAN NG MGA DABARKADS NA MAHUSAY TUMUGTOG NG INSTRUMENTO

May dating ang bagong lunsad na segment o contest sa Eat Bulaga na “Music Hero,” para sa Dabarkads na mahuhusay tumugtog ng iba’t ibang klase ng musical instruments.

Ang puwedeng sumali rito ay mga teenager na ang edad ay 19 anyos  pababa. Kahit na anong instrumento ang bitbit ay puwede ka at hindi biritan ang puhunan rito kundi ang pagiging astig sa pagtugtog ng drums, keyboard, guitar atbp.

Kahapon sa Broadway Studio ay dalawang contestant ang naglaban at ito ay 16 years old from Quezon City na si Zach Alcasid at 19 years old mula rin sa Kyusi na si Stephen Tan at nag-tie ang dalawa kaya parehong masaya ang mga nasabing kalahok.

Very entertaining ang Music Hero na mala-concert ang dating dahil nakikipag-jamming ang EB Dabarkads sa contestants na animoy mga professional.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *