Saturday , April 20 2024

Female singer, no show sa concert ng friend producer

PARA sa kanyang show producer-friend, kapata-patawad ang ginawang no-show ng isang mahusay na female singer.

For one, hindi man madalas ito napapanood mag-perform but she will put to shame most of her co-female performers.

Ang siste, special guest ang hitad sa isang recent concert. Nag-ensayo pa siya kasama ang banda the day before the show. Klaro ang usapan ng kaibigang produ, dalawa ang kanyang kakantahin, isa rito’y duet with the main featured artist.

Came the day of the show, tumawag pa ang hitad sa produ para tanungin kung ilang awitin ang kanyang kakantahin. “Naloka ako, ‘Day, parang wala siya sa sarili! Pero okey lang, kung tutuusin nga, hindi na niya kailangang mag-show, madatung na kasi ang hitad,” sey ng produ.

Mas naloka pa ang produ na noong nagsisimula na ang show, ni anino ng singer ay wala sa apat na sulok ng venue.

Da who ang singer? Itago na lang natin siya sa alyas na Virginia Varona.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *