Wednesday , April 24 2024

Tori Garcia, naging instant co-host ni Willie Revillame

00 Alam mo na NonieHINDI inaasahan ng magandang newcomer na si Tori Garcia na magiging instant co–host siya ni Willie Revillame sa Wowowin ng GMA-7. Ikinuwento ni Tori kung paano ito nangyari.

“Na-meet ko po yung isa sa co-host doon sa Wowowin, na-meet ko siya sa Singapore, si Jeff (Vasquez) po. Comedian po siya sa Laffline. Tapos noong pumunta po ako rito sa Philippines, nag-invite po si Kuya Jeff doon sa Wowowin tapos from the audience, kinuha ako… parang ganoon. Tapos naging co-host ako that day,” kuwento ni Tori na naka-base sa Singapore.

Matapos daw siyang ma-interview sa ere ni Willie, ginawa daw siya nitong instant co-host. “After yung parang audition, parang hindi niya na ako pina-upo, sabi niya join us na lang, tapos diretso na po,” saad pa ni Tori.

Umaasa si Tori na kahit semi-regular ay makakalabas ulit siya sa Wowowin. Nakapag-host na rin kasi si Tori sa Singapore at may experience na rin sa acting sa ilang shows sa TV5. Sa ngayoin ay hinahaasa rin siya ni Throy Catan at sinsabak sa mga acting workshops at sa voice lessons.

Beauty and brains si Tori na sa edad na 19 ay graduate na ng Masscom sa Singapore dahil tatlong beses siyang na-accelerate.

Sadyang hilig ni Tori ang pagkanta at pag-arte, kaya siya pumasok sa showbiz at nagpupursigeng magkaroon ng puwang sa mundo ng entertainment. “Gusto ko po sanang ituloy po iyong sa acting, kasi iyon po ang passion ko, pati na rin singing.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *