Thursday , April 25 2024

Direk Tonet, nangangarag sa Till I Met You ng JaDine

00 fact sheet reggeeNAKATSIKAHAN namin si Direk Antoinette Jadaone habang pasilip-silip sa kinaroronan ng boyfriend niyang si Direk Dan Villegas na nasa entablado habang isinasagawa ang presscon ng How To Be Yours movie nila Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Tinanong namin kung alam ni direk Dan na naroon siya, “kanina pa ba nag-start (presscon)? Kasi tine-text ko siya (direk Dan), hindi na ako sinagot, nakasalang na pala. Napadaan lang ako kasi may meeting ako, sumilip lang. Aalis din ako agad may isa pa akong meeting.”

Tsinika muna namin si direk Tonet kung may part siya sa How To Be Yours dahil sa pelikula nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo na The Break-Up Playlist ay siya ang sumulat ng script kaya alam naming partners in crime sila ni direk Dan.

Sagot kaagad sa amin ng lady director, “ay dito sa ‘How To Be Yours’, wala, solo niya (direk Dan) ito, wala akong contribution kasi busy din ako, pre-prod na kami ng ‘Til I Met You’ (serye nina James Reid at Nadine Lustre). At saka ginawa ko ‘yung ‘Achy-Breaky Heart’.”

Nabanggit din lang ang Achy-Breaky heart movie nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Ian Veneracion ay nabasa namin lahat ng talak ni direk Tonet sa social media na talagang galit siya dahil pinirata ang pelikula niya at high definition copy pa.

Sa pagkakaalam namin ay under investigation na ito dahil naniniwala ang pamunuan ng Star Cinema na inside job ito dahil HD ang mga na-post sa social media.

Kasalukuyang nasa Maldives Island si direk Tonet kasama ang kaibigang writer din noong pumutok ang balitang napirata ang Achy Breaky Heart at talagang napapamura ang direktora sa nangyari.

“Oo, ganoon ako talaga ‘pag galit ng sobra, pero ‘pag hindi, wala naman akong ganoon. Sobrang affected talaga kasi pinaghirapan namin ‘yun, eh tapos ganoon mangyayari,” katwiran sa amin.

Anyway, binibiro namin si direk Tonet na ang ganda-ganda ng Maldives Island at napaka-romantiko pang lugar na bagay sa magkarelasyon.

Hindi ba niya na-miss si direk Dan, “na-miss naman, kaso alam ko namang hindi siya makakasama o makakasunod kasi busy siya sa ‘How To Be Yours’ at may taping pa siya ng serye rin ni Gerald with Yen (Santos) under Dreamscape (Entertainment), so malabo talaga siyang makasama,” sabi sa amin.

Eh, tiyak na hindi masyadong na-enjoy ni direk Tonet ang Maldives kasi bukod sa wala si direk Dan ay na-stress pa siya sa isyu sa Achy Breaky Heart.

“Nag-enjoy naman, kaso ‘yun nga, na-stress talaga ako kaya panay ang post ko,” napangiting sabi ng direktora.

Diretsong tanong ulit namin kay direk Tonet for the nth time ay kung kailan naman sila pakakasal ni direk Dan na ito rin ang itinanong sa presscon ng How To Be Yours.

“Wala pa, wala namang usapan, though napag-uusapan ang kasal, pero hindi ‘yung ganitong date, ganitong panahon, wala kaming ganoon. Wala lang,” napangiting sabi sa amin.

Banggit namin, ‘ano ba ‘yun direk, hindi man lang kayo nagpaplano’? “Wala, eh.  Siguro kasi pareho kaming busy, so wala talaga promise,” sabi pa.

Nag-iipon naman daw sila, para sa bahay ba ito o sa gastusin sa kasal.

“Hindi ko alam sa kanya (direk Dan), basta ako wala, nag-iipon lang, ganoon. Siya (direk Dan), rin nag-iipon din alam ko, hindi ko alam, eh. Parang wala namang bahay na usapan pa, hindi pa ngayon,” nakangiting sabi pa sa amin.

Pero ang sinigurado ni direk Tonet ay hindi sila join account ni direk Dan, “kanya-kanya kami ‘no,” tumatawang sabi pa.

Sa kabilang banda, ngarag pala si direk Tonet sa Til I Met You teleserye ng JaDine dahil malapit na raw itong umere bandang Agosto kapalit ng Dolce Amore.

“Wala pa kaming nasisimulan, promo shoot palang kaya nakakangarag talaga,” sabi sa amin.

Sinabi naming, ‘kayang-kaya mo ‘yan direk dahil matagal pa naman ang Agosto, Hulyo pa lang ngayon.’ “Hindi rin,” mabilis na sagot sa amin.

Maya-maya ay napalingon si direk Tonet sa mga kainan at nabanggit niyang gutom na siya at niyaya naming kumain, pero tumanggi dahil hindi naman siya part sa How To Be Yours presscon.

”Kaya ganyan (Banchetto style sa presscon) kasi ganyan ang concept ng movie nila, nagte-training si Bea sa kainan,” sabi pa.

At nang makita na ni direk Dan si direk Tonet ay kumaway na at sabay paalam na sa amin ang huli.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *