Saturday , April 20 2024

Napolcom probe vs narco generals ilalabas na

MAY nakuha nang ebidensiya ang National Police Commission (NAPOLCOM) laban sa tatlong aktibong heneral ng PNP na isinasangkot sa illegal drugs.

Ayon kay Napolcom Vice Chairman Rogelio Casurao, isang linggong hihimayin ng komisyon ang mga nabanggit na ebidensiya laban kina Chief Supt. Bernardo Diaz ng Police Regional Office 6, dating NCRPO Chief Supt. Joel Pagdilao at dating QCPD Chief Supt. Edgardo Tinio.

Pahayag ni Casurao, bumuo sila ng tag-iisang ad hoc committee sa kada heneral para mabigyan ng kaukulang panahon ang mga ebidensiya at depensa ng bawat heneral.

Paliwanag ni Casurao, kailangan ang tig-iisang komite dahil hindi magkakapareho ang depensa ng bawat opisyal.

Sibak sa tungkulin ang tatlo kapag napatunayang guilty sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *